Chapter 6

41 5 0
                                    

Nagising ako ng maramdaman kong may kumukulbit saakin, tinignan ko ito at naaninag ko ang mukha ni Jameson

"Drei, 7:25 na 5 minutes nalang dadating na ang lecturer" aniya na bahagyang naka yuko

Kinusot ko ang mata ko at tumango ako dito, humarap ako kay Cyrene at niyugyog ang balikat nito

"Cyrene, gising na woy" sabi ko habang patuloy na niyuyogyog ito

"Anong oras na?" Tanong nito habang nakapikit ang isang mata

"7:26 na, malapit na dumating ang lecturer" sagot ko

"Tara punta tayong canteen" anyaya habang nakapangalumbaba at inaantok pa "gutom nako"

"Ilang minuto nalang gaga, tiisin mo yang gutom mo"

"Saglit lang naman e"

"Hindi"

"Tatakbo tayo"

"Ayoko"

"Sige na"

"Nope, hindi, nah, aniyo"

"Libre kita"

"Bilisan mo tumayo kana takbuhin na naten"

"Fvck you poks basta libre e" aniya at inirapan ako, palabas na kami ng makasalubong namin ang amin class president

"Guys di daw magtuturo si Sir Ramirez, may meeting daw lahat ng teacher pero may iniwan syang gawain saten at bukas ipa---"

Hindi na namin tinapos ang sinasabi ng aming class president at tumakbo na kami

Pagdating namin sa canteen ay kaunti ang estudyante kaya agad ng bumili si Cyrene

"Poks ano sayo?" Tanong nya habang nagtitingin sa mga pagkain na naroon

"Kahit ano" maikling tugon ko

"Ate may tinda po kayong kahit ano?" Tanong nito sa tindera

"Gago ka Cyrene" bulong ko at binatukan sya " mamilosopo ka pag wala kang nabiling ganon punyeta ka"

"Ayun ang sinagot mo sakin tanga!" Aniya na pinandidilatan akong mata

"Bibili ba kayo o ano?" Mataray na tanong ng tindera

"Dalawang chuckie nalang po tsaka dalawang mamon" sagot ni Cyrene

Pagkalabas namin sa canteen ay tatatawa tawa kaming naglakad

"Bibili ba kayo o ano?" Pang gagaya nito at nagtataray din

"Ayoko na makita next school year yon HAHAHAHA nabili lang naman ang init ng ulo" tatawa tawa kong sabi

Nagtawanan pa kami ng nagtawanan, saktong pagliko namin ay nakasalubong namin si Genesis kasama nya ang kanyang mga kaibigan

Tumingin ito saakin at ngumiti.

"I fell in love with my bestfriend"

"I think I'm in love"

"I pray for all your love
Girl, our love is so unreal"

Pagkanta ng mga ito habang kunwari'y nag gigitara at nakpikit pa

Natawa sa ginawa nila, hindi ako makatingin kay Genesis, maling iwasan ko sya dahil naglakas ito ng loob upang masabi nya ang nararamdaman nya at nag effort yung tao pero hindi ko maiwasan na mailang, kailangan ko sya kausapin

When the last teardrop fallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon