At dahil walang klase dahil sa meeting ay maaga kaming pinauwi.
"Cleaners ka?" Tanong ni Cyrene
"Oo, di ako maglilinis bahala na sila dyan" sagot ko habang sinusukbit ang bag
"Siraulo! Antamad mo" aniya sabay batok sakin
Hindi na ako sumagot at dere deretso na akong lumabas
"Hoy saglit lang!" Sigaw nito
"Bilisan mo!"
"Hooooy! Andrei! Maglinis ka! Ano tatakas ka nanaman?" Sigaw ng kaklase ko
"Kaya nyo na yan! Galingan nyo HAHAHAHA" Sigaw ko sabay takbo
Tumigil ako sa pagtakbo at hinintay si Cyrene hahangos hangos itong lumapit sakin
"Tangnang to makatakbo ka ah" asik nito sakin habang nakahawak sakanyang dibdib
Hindi ako sumagot at hinigit nalang ito. Halos madapa ito sa pagkakahatak ko
"Saan tayo pupunta?" Tanong nito
"Sa bahay namin" sagot ko
Tumigil ako sa paghatak sakanya ng nasa highway na kami. Pumara akong tricycle at agad kaming pumasok
Pagdating namin sa bahay ay naabutan namin si kuya na nasa sala, nag i-ML
"Kuya asan si mama?"
"May pinuntahan"
Tumango ako kahit hindi ito nakatingin saakin
"Poks pumasok ka" tawag ko. Hindi ako nito sinagot kaya nilingon ko sya
Nakatunganga sa kuya ko amp
"HOOOY! PUMASOK KA!" Sigaw ko at natutuliro itong napatingin saakin
"H-hah? O-oo pa-papasok n-na h-hehe" mautal utal nitong sagot
Napatingin sakanya si kuya at agad itong umakyat sakanyang kwarto
"Poks! Bat andito yung asawa ko?" Aniya
"Hah?"
"Yung kuya mo"
"Gagu lande! Anong asawa?!"
"Ansama naman ng ugali mo? Suportahan moko Andrei"
"Eeeeh! Andami mong arte tara na sa kwarto"
Ngingiti ngiti itong tumango saakin at sabay kaming umakyat sa taas
"Eto kwarto ko wag kang maharot" sabay higit ko sa buhok nya ng dederetso ito sa kwarto ng kuya ko na nakabukas ang pinto
"Ah! Ayan ba? HAHAHAHA dimo sinabi agad"
"Kirengkeng kalang talaga tsss"
Pagpasok sa kwarto ay nagbihis agad ako at kumuha ng pagkain sa baba. Pag akyat ko sa kwarto ay naabutan kong nakahiga sa kama si Cyrene
"Poks pagkain" anyaya ko
"Andrei, gusto mo ba si Genesis?"
Agad akong napatigil sa biglaang tanong nito, hindi ko alam kung anong isasagot ko. Masyadong seryoso ang mukha nya.
"Bakit mo naitanong?"
"Umiiwas ka sakanya at base sa kilos mo ay naiilang ka. Madaling malaman sa babae kung gusto nya ang isang lalaki o hindi"
BINABASA MO ANG
When the last teardrop falls
Teen FictionMay mga tao tayong makikilala at hindi natin alam kung ano ang magiging papel nila sa ating buhay, hindi natin malalaman kung ang mga taong yun ay sasaktan lang tayo o pagmamahal ang dulot nila. Hindi maling magmahal kahit nasasaktan kana pero malin...