Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa room ng biglang may sumabay saakin. Nilingon ko ito at bumungad saakin ang nakangiting si Genesis.
"Goodmorning Drei"
"Mmmm, goodmorning"
"Oh? Ang aga aga nakasimangot ka"
"Anong gusto mo ngumiti ako? Edi para akong timang non HAHAHAHAH"
Napapahiya itong ngumiti sabay kamot sakanyang batok. Sa halip na sumagot ay inakbayan ako nito
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa ginawa nya. Hindi na ako nagsalita at hinayaan nalang sya.
Kung tutusin ay sanay na ako na lagi akong inaakbayan ni Genesis ngunit dahil sa pag amin nya saakin ay naiilang na ko.
Nang papaliko na kami ay nakasalubong namin si Jameson, agad itong napatingin saakin at kay Genesis, lumipat din ang tingin nito sa brasong naka akbay saakin. Nangunot ang noo nito sabay balik ng tingin nya saakin. Ngingitian ko na sana ito ng bigla itong nag iwas ng tingin at dere deretsong naglakad.
"Kaklase mo yon diba?" Tanong ni Genesis
"Mmmm" sagot ko habang bahagyang naka ngiti
Tumango lang ito at hindi sumagot.
"Ahmm, una na ako?" Pagtatanong ko
"Mmmm, aantayin muna kitang makapasok bago ako pumasok" ani Genesis
"Salamat" tugon ko at ngumiti. Hindi ko na hinintay na sumagot ito, agad na akong tumalikod at dumiretso sa room
Sinalubong ako ni Cyrene ng mapang asar na tingin. Tinaasan ko ito ng kilay at agad akong umupo
"Ano nanaman yang tingin mo?" Tanong ko ng hindi ito nililingon
"Tinignan lang kita, wag kang feelingera, mas maganda ako sayo HAHAHAHA " aniya at nilingon ko naman ito habang naka taas ang isang kilay, inirapan naman ako nito
Napa iling nalang ako at isinalampak na lamang ang earphone sa aking tenga. Napansin ko sa gilid ng mata ko na may dumaan at ng lingunin ko ito ay si Jameson. Umupo ito sakanyang upuan at lumingon saakin. Nagtama ang paningin namin, malamig ang tingin nito saakin na agad din nyang iniwas.
Anong problema nito?
Di nagtagal ay dumating ang lecturer at nag umpisa na itong magturo. Tahimik kaming nakinig at minsan ay nagsusulat ng notes
Hindi ko namalayan ang oras dahil lutang ang isip ko. Kinulbit ako ni Cyrene ng makalabas na ang lecturer kaya nilingon ko ito
"Pinagsasabi mong 'problema mo?' Ha?" Aniya
"H-ha?" Utal at nalilito kong tugon
"Hakdog" sagot nya at inirapan ako
"Ewan ko sayo Cyrene"
"Lutang ka kase! Nag aadik kaba?!"
"Hoy gago! Ginawa mo pa akong adik"
"Seryoso kase Drei, sabi mo kase kanina 'problema mo?' Sino ba iniisip mo?"
Sandali akong napatitig kay Cyrene bago sumagot
"W-wala, wala a-akong i-iniisip" sabay iwas ko ng tingin
Pakshet sinabi ko yon?! Walanjoooo
"Asuuus! Lokohin mo lelang mo, ano nga?!"
"Wala nga sabi"
BINABASA MO ANG
When the last teardrop falls
Teen FictionMay mga tao tayong makikilala at hindi natin alam kung ano ang magiging papel nila sa ating buhay, hindi natin malalaman kung ang mga taong yun ay sasaktan lang tayo o pagmamahal ang dulot nila. Hindi maling magmahal kahit nasasaktan kana pero malin...