Pagkalabas ng lecturer ay agad kong nilingon si Cyrene na hindi nagsasalita
"Hoy poks" sabay kalabit ko "ok ka lang? Ano puntahan naba naten? Sabihin mo lang kung may iba pang issue sayo yon at di ako magdadalawang isip na puntahan yon" sabi ko habang nagtataas ng kilay sa kung saan at nilingon ko itong muli ng hindi ako nakatanggap ng sagot
"Uy poks" tawag ko habang hinaharap sya sakin
"Lokaret ok lang, lalaban naman ako e pero hindi pa sa ngayon masakit yung sinabi nya lalo na't hindi naman totoo pero kung papatulan ko sya agad ay baka masabi nyang defensive ako" aniya sabay pilit na ngumiti
"Sa bagay poks tama ka, siguro nga kapag sumobra na yung issue nya sayo" pagsang-ayon ko
"Hahahaha tsaka hayaan mo na yon masakit oo pero diko na para problemahin yon, kung ganon ang tingin nya sakin problema nya na yon HAHAHAHA. Tara na nga, libre kitang milktea" pag aaya nya
"Ay antaray ng lola mo! Inissue lang nanlilibre na, HAHAHAHAHA sabihin ko kaya kay Jheymie na gawan kalang ng issue para ilibre moko lagi?" Sabi ko habang nakatingin pa sa taas na animong nag iisip
"Gaga! Basta libre e no? Kung anu anong kagagahan naiisip mo" sabi nito at binatukan ako ng mahina "pagagawan mo pakong issue malibre kalang #fakefriend HAHAHA"
"Ampanget ng ugali mo punyeta HAHAHAHAHA" Tawa ko " Tara na at baka yang libre mo maging bato pa"
Sabay kaming lumabas ni Cyrene habang nagtatawanan at agad na nagtungo sa pinaka malapit na milktea shop
"Manlilibre ka nalang din, ikaw na din umorder sulitin mo na HAHAHA"
"Psssh medyo makapal pala mukha mo no" aniya na habang nakangiwi "oh anong sayo?"
"May maoorder kaya dyang boyfriend? Kung di available ka M.U nalang basta hindi nanggo-ghost HAHAHAHA" sabi ko habang natatawa sa sarili kong kakereng kengan
"Maharotskiii, sa facebook ka maghanap magpost ka sa mga online buy n sell. Looking for boyfriend budget 3500 baka may mabili ka don nakakaloka ka milktea shop to wag kang kire" ani Cyrene
"HAHAHAHAAH punyetang mukha yan" tawang tawang sabi ko na nakaturo pa sa mukha nya "HAHAHAHAHA andami mong sinabi HAHAHAHA wintermelon ang akin, o ayan ok kana? HAHAHAHAHA" natatawa paring sabi ko
"Depungal ka sige tumawa ka arabo sana makuha mo bwiset!" Asik ni Cyrene at tinalikuran na ako
"Punyeta ka dear HAHAHAHA i love you dear HAHAHAHA" pahabol ko at inasar pa sya
Hindi na ako nito sinagot at umorder na. Maya maya'y lumapit ito sakin ng nakabusangot habang inaabot ang milktea
"Thankyou sa libre dear HAHAHAHA next time ulit ha sa Mcdo naman" sabi ko habang nakangiti at nagtataas baba ng kilay
"Salamat mo mukha mo, kapal ah nilibre na nagrequest pa" aniya at inirapan ako
"Hoy gaga baka masama loob mong nanlibre ka? HAHAHAHA"
"Medyo lang HAHAHAHA charot, sige na sasakay na ko byeeee mwaaa" sabi nya habang ngumunguso pa
Kumaway lang ako at sumakay na agad ng tricycle. Pagkarating ko sa bahay ay naabutan ko si kuya na nasa sala at naka uniform pa, naglalaro nanaman ng ML. Agad akong lumapit at nakisilip sakanya
"HAHAHAHA hala sige takbo HAHAHA maaabutan kana ni Fanny kuya HAHAHAHA" pang aasar ko hindi nya ako inimik at tutok na tutok sa paglalaro
BINABASA MO ANG
When the last teardrop falls
Teen FictionMay mga tao tayong makikilala at hindi natin alam kung ano ang magiging papel nila sa ating buhay, hindi natin malalaman kung ang mga taong yun ay sasaktan lang tayo o pagmamahal ang dulot nila. Hindi maling magmahal kahit nasasaktan kana pero malin...