Naglalakad kami ngayon ni Cyrene papuntang canteen,at kagaya kanina ay inaasar parin ako nito tungkol sa pagkanta ni Jameson. Hinayaan ko na lamang itong magsalita ng magsalita.
"It might be you Poks! Antaray ng kanta, buti hindi ka nangisay habang kinakantahan ka nya HAHAHAHA kung ako siguro yon naglaway nako" aniya habang nakatingin sa harapan at nakangiti pa
Maglaway amp? Ano ka asong nakakita ng buto?
"Ano Poks? Nakakakilig ba? Nag slow-mo ba? Natulala kaba?" Sunod-sunod na tanong nito na hindi ko sinasagot "Antaray talaga nung kanta Poks, makaluma pero tagos sa heart. Grabe Poks samantalang yung kanta sakin dati nung manliligaw ko pang jejemon napagalitan pako ng tatay ko"
Tuloy-tuloy ito sa pagsasalita kahit hindi ko naman pinapansin o sinasagot
Nang makarating kami sa canteen ay agad na akong pumila at iniwan syang nagsasalita mag isa. Pagkatapos kong makapili ng pagkain at akmang babayaran ko na ito ng may nagsalita sa gilid ko
"Miss eto po yung bayad" sabay abot nito ng pera. Napatigil ako ng nilingon ako ni Genesis na malawak ang ngiti, natauhan ako ng guluhin nito ang buhok at nilapit nya ang kanyang mukha saakin " Miss late kumain kana" bulong nito
M-miss l-late?? Nakita nya ko? Shiiiiit nakakahiya
Miski sa isip ko ay nakangiwi ako dahil sa tinawag nya saakin
Naka-nganga akong tumango dito at ngitian nya ulit ako bago maglakad palabas ng canteen kasama ang mga kaibigan nya
"Nagsasalita ako iniwan-iwan moko? Anong klaseng kaibigan ka? Tao kaba?" Ani Cyrene kaya agad ko itong nilingon
Walang hiya pati ang katauhan ko pinag dudahan pa
" at dahil sa ginawa mo hahatian moko jan sa pagkain mo" pagtutuloy nya
Hindi na ako sumagot at tumango nalang. Napag pasyahan naming sa room nalang kumain dahil madaming tao sa canteen. Pagbalik namin sa room ay inilapag ko kaagad ang pagkain na agad din namang nilantakan ni Cyrene
"Medyo makapal pala mukha mo?" Nakangiwi kong tanong dito "ang pagkakaalam ko ay akin yang pagkain at hahatian lang kita, eh bat parang inaangkin mo na?"
"Wag ka ng dumada, kumain ka nalang hindi ko naman inuubos" pagsasalita nito habang nilulunok ang laman ng kanyang bunganga
Napailing ako at bumuntong hininga. Umupo nalang ako at kumain.
"Mukhang gutom na gutom ka Cyrene hahaha" ani Jameson at nilingon ko ito
"Correction, mukhang patay gutom ka" kunwaring pagtatama ko at itinapat pa ang hintuturo ko sakanya
Paglingon ko kay Cyrene ay masama ang tingin nito saakin, puno ang laman ng kanyang bunganga at nakanguso.
"Pasmado yang bunganga mo Andrei" ani Cyrene "kung ayaw mokong bigyan ng pagkain ay sabihin mo, dahil wala naman akong pakialam at makikikain parin ako"
"Oh wag kayo mag away hahaha, heto kumuha kayong ulam" ani Jameson at inilagay ang kanyang baunan sa lamesa namin
"Nakuuu nag abala kapa nakakahiya naman" sabi ni Cyrene at nagtakip pa ng kanyang bibig na animong nahihiya habang bahagyang nakangiti "wag mokong pilitin Jameson sinasabi ko sayo, nako wag talaga, wag Jameson, wag moko pilitin sabi e" dagdag nya kahit nakuha na ito ng ulam
BINABASA MO ANG
When the last teardrop falls
Teen FictionMay mga tao tayong makikilala at hindi natin alam kung ano ang magiging papel nila sa ating buhay, hindi natin malalaman kung ang mga taong yun ay sasaktan lang tayo o pagmamahal ang dulot nila. Hindi maling magmahal kahit nasasaktan kana pero malin...