Janine
Nakanguso akong kumakain dito sa canteen na halos maamoy ko na ang iba't ibang baho ng mga kasama ko. Ilang araw ng hindi bumabalik dito si Juvelyn at ewan ko ba kung saang lupalop ng planeta siya nagpunta. Sinabihan lang naman akong nasa mabuti siyang mga kamay? Buddha lang ang peg?
Anyways. Mag-isa akong kumakain dito dahil siyempre hindi ako palakaibigan na katulad ni Juvelyn. Kaya ito, wala akong makausap at halos mabaliw na ako. Buti nalang at maingay dito sa canteen.
Binilisan ko nalang ang pagkain ko para makaalis agad ako. Na su-suffocate talaga ako kapag maraming mga tao. Ewan ko ba kung bakit pero pakiramdam ko nahihirapan ako sa paghinga.
Nang maibigay ko na ang tray na ginamit ko ay patakbo akong dumeretso sa elevator na muntik nang sumara. Deretso akong pumasok at hindi na pinansin ang mabangong lalaki na kasabay ko. Pinindot ang numerong three bago umandar ang elevator.
Ilang mga karnero na ang nabilang ko sa aking isipan at hindi ko na nakyanang sulyapan ang lalaking nasa tabi ko.
Bakit ba ang bango niya? Matanong nga kung anong perfume at mabili.
"Excuse me kuya. Anong perfume gamit mo?"
Nilingon niya ako dahilan upang mapahawak ako sa pantalon ko. Muntik ng malaglag ang panty ko dahil sa kagwapuhan niya.
He has this bad boy aura pero hindi yung bad boy na matatakot ka talaga. Yung pagkabad boy niya medyo mild lang. Kung paano ko yun nasabi? Hindi ko din alam.
"Why?"
Sa pagkakataong ito ay dalawang kamay ko na ang napahawak sa pantalon ko. Napansin kong napatingin duon ang lalaki kaya ibinaba ko na ang kamay ko.
Loose thread pa naman ang panty ko. Stay put ka lang diyan panty ko ah? Wag kang malalaglag.
"Natanong ko lang. Ang bango mo kasi." Nasagot ko sa kanyang tanong.
I saw him smirk at balak ulit sanang mapahawak sa pantalon ko ngunit nakatingin pa din siya duon.
Gwapo itong kaharap ko ngayon. Naka black tuxedo siya at mukhang bigating tao. He has this aristocrat nose ang a brownish colored eye. Mataas siya sa akin ng ilang pulgada and oh boy, those red thinned lips.
Sheyt
But don't get me wrong. Nababanguhan at nagwa-gwapuhan lang ako sa kanya.
"Calvin Klein."
Napakurap kurap ako sana napaayos ng tayo. Hindi ko man lang napansin na nakatitig na pala ako sa kanya.
"Huh?"
Mas lalong lumawak ang ngisi niya and I swear, pakiramdam ko hindi na kumakapit ang panty ko.
"I said Calvin Klein is my perfume." Sagot nito ulit bago bumukas ang pinto.
Ilang segundo pa akong napatitig sa kanya bago napagdesisyonang maglakad palabas.
Napanguso nalang ako dahil sa pagkakaalam ko, napakamahal nung Calvin Klein na perfume. Di bale, pagnapa-opera ko na si nanay, bibili ako ng perfume na yun.
"Tama!"
Nakangiting dumeretso ako sa opisina at kumuha ng gamit sa equipment room. Lumabas din ako agad habang dala-dala ang gagamitin kong panglinis.
Pumasok ako sa isang elevator saka pinindot ang numerong 20. Nang makarating ako sa destinasyon ko ay dumeretso na ako palabas.
Kinuha ko ang mop at sinimulan ng linisin ang hallway na hindi ko alam kung mabilisan ko bang malilinis. Pabalik-balik kasi ang mga empleyado dito kaya pabalik-balik din ang mga dumi.
YOU ARE READING
Black Mafia 4: Khairo Feliciano
ChickLit[COMPLETED ✔️] -I'm scared to loved. And I'm scared to be loved. When I realized that it's not- Khairo Feliciano is a typical bad boy. A man that is part of organization. Maliban sa mga tauhan at kakilala niya, wala ng may alam na iba pa. He's hot a...