CHAPTER 17

3.1K 105 0
                                    

Janine

Isang taon ang hinintay ko, fully recovered na din ako. Dahil sa isang taon akong na coma, kailangan ko pang dumaan sa mga therapy.

I barely walk. Kaya kailangan may alalay ako para makalakad ako. At first it's hard. Parang bumalik ako sa pagkabata kung saan tinuturuan pa ako ng magulang ko na maglakad.

Nagtiis ako ng isang isang taon para gawin ang mas makabubuti sa akin. Hindi madali, aaminin ko yun.

Pero kalaunan hindi na ito naging mahirap sa akin. I have Khairo in my side. Hindi siya umaalis sa tabi ko kaya mas lalo kong pinagbubuti ang mga therapy's ko.

Another months have passed. Napagdesisyonan naming puntahan ang puntod ni nanay. Kung saan pupunta kami sa aming probinsya.

Bumalik na din ako sa dati. Still, wala pa ding alam ang kaibigan ko kung nasaan ako o anong nangyayari sa akin.

Yung inaanak ko naman na si Logan ay dalawang taong gulang na. Nasabi din sa akin ni tukmol na malapit ng ikasal si Juv at isa ako ang maid of honor niya.

"You okay? Your hands are cold."

Napabaling ako kay tukmol na nakaupo sa tabi ko habang bumabiyahe kami papunta sa probinsya.

Tipid akong ngumiti sa kanya. "Kinakabahan lang ako. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko kapag nakita ko ang puntod ni nanay." Malalim akong napabuntong hininga. "hindi ko man lang nasaksihan ang lamay niya. Hindi ko man lang siya nakita sa huling pagkakataon. Hindi ko nasabi sa kanyang mahal na mahal ko siya. Marami akong gustong sabihin. Pero huli na ako.."

Pinisil lang niya ang hawak kong kamay at hinalikan ito. "no. It's not late. Noon man, naiparamdam mo sa iyong nanay ang totoo mong pagmamahal sa kanya. It's not too late baby." Napabuntong hininga siya. "while me. I didn't protect my family against our enemy."

Hindi niya itnituloy ang kanyang sinasabi dahil mukhang nahihirapan pa siya. Kahit hindi niya sabihin, naiintindihan ko ang nararamdaman niya.

Nawalan din ako ng Ina. Habang siya ay nawalan ng dalawang nga magulang. Mas masakit ang kanyang dinanas kaysa sa akin.

Gusto ko mang magtanong kung ano ang ibig niyang sabihin pero mas pinili ko nalang na tumahimik. Alam kong sasabihin din niya sa akin ang tungkol duon kapag handa na siya.

"Nandito lang ako palagi Khai. Tandaan mo yan palagi."

He just nodded at me then rest his head on my shoulder. Ang malaya ko namang kamay ay hinahaplos ang kanyang ulo.

Ilang oras ang lumipas at nakarating na din kami sa aming probinsya. Kagaya ng inaasahan ko, si tatay nalang ang naabutan ko sa bahay.

I can't stop my self to be emotional. Namalayan ko nalang ang sarili ko na nakayakap sa aking ama habang umiiyak.

"M-Miss na miss ko na po kayo tay." Pumipiyok ang boses na wika ko.

"Ako din anak. Miss na miss na din kita."

Nanatili lang kaming magkayakap ni tatay hanggang sa humupa ang aking hikbi. Kumalas ako sa aming pagkakayakap habang pinupunasan niya ang aking luha.

"Salamat sa diyos at nakita na kitang muli." Usal ni tatay. Pinaalam din kasi ni tukmol kay tatay na gising na ako.

Ngumiti ako. "Yun nga lang po, hindi ko na naabutan si nanay."

"Hindi pa huli ang lahat anak."

Ngumiti lang ako at binalingan ng tingin si tukmol na tahimik lang na nakatayo. I give him a reassuring smile before I glance to my father.

Black Mafia 4: Khairo FelicianoWhere stories live. Discover now