Janine
Apat na oras ulit ang naging biyahe namin pabalik ni tukmol. Back to tukmol na ulit ang tawag ko sa kanya. Sa kadahilanang nainis ako sa walang kwentang dahilan.
Matapos kasi nang sabihin niyang 'Definitely I am' ay dinugtungan niya iyon ng 'just kidding'. Kaya ito ako ngayon, wala na sanang balak na tarayan siya pero bumabalik na ulit.
Ang lame ng reason ko noh?
Yeah. So lame. Maski ako hindi maintindihan ang sarili.
Kagaya ng sabi niya ay dumeretso kami sa hospital upang i-check up ako. Hindi na ako nagprotesta nang buhatin niya ako para makapasok sa loob.
Mahigpit akong kumapit sa kanyang leeg habang naglalakad siya. Nang makapasok kami sa loob ay pinagtitinginan kami. May nagtataka, kinikilig, nanlalaki ang mga mata at marami pa. Pero wala naman kaming pakealam sa kanilang reaksyon.
Dere-deretso lang si tukmol sa paglalakad patungo sa kung saan. Mukhang alam na niya kung saan siya pupunta dahil hindi siya nagtanong sa information desk.
Umikot siya sa kanang bahagi ng hallway at binuksan ang unang pinto duon. Nabungaran namin ang isang maedad na babae na nag-angat ng tingin sa amin galing sa binabasa niyang isang papeles.
"Good morning. How may I help you?" Ani ng doktora.
Pinaupo muna ako ni tukmol sa swivel chair bago siya naupo sa upuan na nasa harapan ko.
"Good morning too doc. I want you to check up on her. I think she have laceration and she's sick." Dere-deretsong wika niya.
Hindi ko maiwasang mapangiwi habang nakatingin sa doktora na tipid lamang akong nginitian.
"Is it red and swollen?" Tanong ng doktora habang may isinusulat sa isang papel.
Sabay kaming nagkatinginan ni tukmol.
"Anong red and swollen po dok?" Nagtataka kong tanong.
Nanatili ang ngiti sa labi ni dok nang mag-agat siya ng tingin sa akin.
"What I mean is your vagina. Is it red and swollen?"
My mouth went hang low. Hindi ako nakapagsalita sa sinabi ng doktora na mas lalong kinainit ng pisngi ko.
I tried not to look tukmol para mas maiwasan ko ang pag-iinit ng magkabila kong pisngi.
"A-Ahm.. hindi ko po alam d-dok."
Ngumiti lang ang doktora bago bumaling kay tukmol.
"Should I—"
"No." Pagputol ni tukmol kay doktora na ikinatingin ko sa kanya. "I should probably do it."
Nanlaki ang mata ko at balak na sanang mag protesta ngunit itinikom ko nalang ang bibig ko.
Ang awkward naman siguro kapag si doc ang titingin diba?
Isa pa, may nangyari na sa amin ni tukmol kaya wala dapat akong ikahiya. Diba?
Diba?
Right.
Binuhat ulit ako ni tukmol bago kami sinamahan ng doktora sa isang hospital bed. Umalis agad si doktora at siya na mismo ang nag sarado ng kurtina para mabigyan kami ng privacy.
"Should I get your permission too to undress you?" Basag ni tukmol sa katahimikan.
Sinalubong ko ang tingin niya kahit nag-iinit ang magkabila kong pisngi.
"W-Wag na."
Lumapit siya sa akin at sinimulang tanggalin sa pagkakabutones ang aking pantalon.
YOU ARE READING
Black Mafia 4: Khairo Feliciano
ChickLit[COMPLETED ✔️] -I'm scared to loved. And I'm scared to be loved. When I realized that it's not- Khairo Feliciano is a typical bad boy. A man that is part of organization. Maliban sa mga tauhan at kakilala niya, wala ng may alam na iba pa. He's hot a...