CHAPTER 3

4.1K 126 1
                                    

A/N: Sorry mga readers, hindi ko na edit ang chap 1. Instead na 'guest' na bisita ang ilagay ko ay napalitan ito ng 'guess' na hula. May sariling isip ang keyboard ko eh😑

Anyways, happy reading❤️


Janine

Dahil sa pagpayag ko sa deal namin ni tukmol ay nag leave ako ng isang araw para sa date namin. Hayaan na, isang araw lang naman ito at wala ng susunod. As in wala ng susunod.

Hindi naman siguro masamang magpanggap na hindi ako nag e-enjoy sa date namin diba? Simple lang yun.

Inayos ko ang buhok ko na naka pony tail. Naglagay ako ng light make up para hindi naman ako magmukhang hampas lupa.

Naglagay din ako ng lipt tint at lip balm bago ko tingnan ang sarili ko sa salamin.

Napangiti ako at ibinalik ko na ang ginamit ko sa aking maliit na kit. Kinuha ko ang shoulder bag ko at isinukbit ito.

Nakasuot ako ng simpleng dark green na spaghetti dress at pinaresan ko ito ng blazer.

Lumabas na ako ng pent house ko nang marinig ko ang isang ugong ng sasakyan. Hindi ko alam kung paano niya ako napapayag na ibigay sa kanya ang number ko pero natagpuan ko nalang ang sarili ko na itini-text siya tungkol sa address ng tinutuluyan ko.

Natagpuan ko siyang nakasandal sa kanyang kotse na mamahalin. Nakahalukipkip habang matiim na nakatitig sa akin.

Nakasuot siya ng sky blue na v-neck na bakat na bakat sa kanyang katawan.

Lumapit na ako ng tuluyan sa kanya na ngayon ay maayos ng nakatayo.

"Tara na?" Casual ngunit mahihimigan ang pagiging mataray sa aking boses.

His lips form into a small smirk. "I'll make sure that you'll be enjoying in our date."

"We'll see."

Ngumisi lang siya sa akin saka ako pinagbuksan ng pinto. Pumasok ako dito bago niya isinara. Umikot siya sa kotse saka sumakay sa driver seat. Pinaandar niya ang kanyang kotse sa kung saan man niya ako dadalhin.

"By the way, I almost forgot to say. Your gorgeous."

Hindi ko siya nilingon at nanatili akong nakatingin sa labas ng bintana. Aaminin ko, medyo nakaramdam ako ng kakaibang kiliti nang sabihin niya iyon.

Pero hindi parin ako magpapaloko sa uri ng kanyang mukha. Hindi na katiwa-tiwala.

"Thanks." Sagot ko sa kanyang sinabi.

Tell me pakipot or something na pwede niyong itawag sa akin. Pero wala talaga akong interes sa pag-ibig na yan.

Oo gwapo siya. Maganda ang katawan. At alam kong pinagkakaguluhan siya ng mga babae.

But my first priority is my mom. Sabihin na nating hindi pa siguro ito ang panahon na kailangan ko ng boyfriend pero dadating pa din ang panahong iyon.

"Aside from our deal. Let's have a rules." Bigla nitong saad.

Napabuntong hininga nalang ako at walang interes na binalingan siya ng tingin.

Black Mafia 4: Khairo FelicianoWhere stories live. Discover now