Janine
Dalawang linggo na ang nakakalipas at ngayon ay fully recovered na ako. Nakabalik na ako sa aking trabaho habang ang nanay ko naman ay nagpapalakas para isagawa ang operasyon niya.
Kagaya ng sabi ni tukmol, nakarating na nga dito ang inutusan niyang maghanap ng heart donor. Kapag malakas na ang katawan ni nanay, iba-biyahe na siya papunta dito upang operahan.
Dalawang linggo na din ang nakakalipas simula nang makatanggap ako ng text. Or should I say, death threats.
Hindi ko ito sinabi kay tukmol dahil alam kong mag-aalala siya. Sinabi pa naman niya sa akin na po-protektahan niya ako.
Akala ko hindi na iyon masusundan. Pero nagkakamali ako. Naulit muli iyon at kapareho lang ang text.
I'll kill you
Hindi ko na kailangan mag imbestiga kung sino ang may pakana nun sa akin.
Iisang tao lang naman ang kilala kong may galit sa akin. Isang tao lang naman ang nagsabi sa akin ng ganun.
"Janine."
Ilang ulit akong napakurap-kurap at napatitig kay Juv na nagtataka ang mukha.
Malakas akong napatikhim at umayos ng upo sa couch. Nandito kasi kami ngayon sa opisina ni boss Acxle at kumakain. Imbes kasi na sa labas kami kakain ay hindi pumayag si boss Acxle, eh kesyo buntis kasi si Juv.
"May sinasabi ka ba?"
Napabuntong hininga si Juv at ibinaba ang iniinom niyang gatas sa isang baso. Umayos siya ng upo saka ako matiim na tinitigan.
"Wala akong sinasabi. Tinitingnan lang kita." Sabi pa niya. "kilala kita Janine. I know something is bothering you. Nawala ka nga dito ng halos isa g linggo na ipinagtaka ko. Akala ko ba dalawang araw lang ang leave mo? Yun ang sinabi sa akin ni maam Lourdes. I know it's not my business, pero kaibigan kita, nag-aalala ako." Mahabang litanya niya.
Napakagat ako sa aking dila sa kanyang sinasabi.
Hindi ko kayang sagutin ang kanyang tanong kung bakit matagal akong nawala dito sa kompanya.
Sabihin na niyang hindi ako mabuting kaibigan, pero wala pa akong lakas na sabihin sa kanya ang katotohanan. Alam ko namang sa isip niya ngayon ay may hinala na siya.
Isa pa, ayokong madamay siya sa kung anong nangyayari ngayon sa buhay ko.
Nginitian ko siya upang hindi siya magtaka. "Inextend ko kasi ang leave ko dahil kay nanay. Tungkol naman sa iniisip mo na may bumabagabag sa akin ay hindi yan totoo. Baka guni-guni mo lang iyon. O baka dala ng pagbubuntis mo." Pagsisinungaling ko na lamang sa kanya.
"Hindi ito guni-guni lang Janine. At mas lalong hindi ito dahil sa pagbubuntis ko. Kilala kita. Alam kong may problema ka."
Pabiro akong umirap sa kanya. "Kapag yan pinilit mo pa, magiging kamukha ko ang anak mo. Sige ka, baka pinaglilihian mo na pala ako."
"Oo naglilihi ako pero hindi sayo." Sagot niya agad sa huling sinabi ko. "sa tingin ko hindi mo talaga kayang sabihin yan sa akin. And nope, alam kong may bumabagabag talaga sayo."
Ngumuso lang ako sa kanya bago pinagpatuloy ang pagkain.
Sa tagal ng pagkakaibigan namin ni Juv, hindi malabong kilala na nga niya ako. Pero kagaya ng sabi niya, hindi ko kayang sabihin sa kanya ang totoo.
Binilisan ko na lamang ang pagkain ko bago ito isa-isang niligpit. Hindi ko na hinayaan na kumilos pa si Juv dahil baka mapano siya.
Hindi halata ang kanyang baby bump kung loose na damit ang kanyang susuotin. Pero kapag fit, makikita talaga ang malaking umbok ng kanyang tiyan.
YOU ARE READING
Black Mafia 4: Khairo Feliciano
ChickLit[COMPLETED ✔️] -I'm scared to loved. And I'm scared to be loved. When I realized that it's not- Khairo Feliciano is a typical bad boy. A man that is part of organization. Maliban sa mga tauhan at kakilala niya, wala ng may alam na iba pa. He's hot a...