Para sa 10-Ivory of BSANHS💖
Ito na
Andito na tayo
Nakatingin na tayo sa dulo
Andito na tayo sa dulo ng kwento
Kwentong pinagsimulan ng Hi at Hello
Nagkakilala at bumuo ng kwento
Nagsama sa isang kwadradong kwarto
At pinagtibay ng pagmamahalang tunay at totoo
-
Salamat sa lahat ng ating pinagsamahan
Sa 10 na buwan
40 na linggo
100 na araw
7200 na oras
43200 na minuto at
2592000 na sigundo
Salamat sa mga bagay na naibahagi nyo,
Salamat dahil naging bahagi ako ng buhay ninyo
-
Salamat dahil nilagyan ninyo ng kulay,
Ang patay kong buhay.
Mga bagay na nagbigay saya,
Na sa bawat isa'y nagpasigla.
Alam naman natin siguro,
Na walang nagtatagal hanggang dulo
Kaya eto muna yung mga linyang hinding hindi ko makakalimutan sa inyo
-
"Etong section na ito ang pinaka worst!"
"Pengeng wamport"
"Samahan mo'ko sa CR"
"Punta tayo sa canteen!"
"Yes wala si ma'am!"
"Mamatay na kumuha ng ballpen ko!"
"May assignment ka?"
"Pengeng pulbo beh"
"Anong sagot sa no. 1?"
"Uyy anong bagong k-drama ngayon?"
"Absent tayo"
"Andiyan na si sir/ ma'am!"
Yung mga joker sa room na palaging nagpapatawa
Yung mga classmates mong puro k-pop na
Yung mga classmates mong nagliligawan na mapapasana all ka na lang talaga
-
Yung assignment niyong 1 for all, all for 1
Yung mga kaibigan mong pinapatawa pag nagrereport ka
Yung nga classmates mong nangongopya na nga lang magagalit pa
-
Yung mga officers niyong nagpapasimuno ng ingay
Yung individual activity na nagiging group activity
Yung magpapaalam kayo sa teacher niyo na pupunta ng CR pero sa canteen naman pala
Yung ballpen mong nasa mabuting kamay na
Yung mga classmates todo paganda
Yung papagalitan kayo ng teacher niyo sa sobrang ingay
Yung practice na mauuwi na lang sa tampuhan
Mga asaran, tawanan, parinigan, sakitan, at iyakan pero sa huli nagmamahalan pa rin bilang isang pamilya.
Syempre hindi mawawala yung napakasolid na adviser namin
Yung adviser namin na subrang supportive
-
Adviser na subrang mahal kame
Andito na tayo sa dulo
Kahit masakit kailangan tanggapin ang totoo
Pero salamat dahil sa 10 buwan na pagsasamahan natin naging pamilya tayo
Kaya para sa huling parte ng tulang to,
Gusto kong magpaalam sa inyo
Salamat sa kwentong nabuo
Mga alaalang nakalathala sa libro
Kasabay ng pagtungo ko sa direksyon ng buhay ko
Hinding hindi ko makakalimutang ang bawat isa sa inyo
YOU ARE READING
Spoken Word Poetry
PoetryMay mga Bagay na Di kayang sambitin kaya sa pagsusulat ng tugma ko tinuon ang aking pansin May mga Bagay kasi na mas mabuting nakasulat na lang Kaysa sabihin mo baka may masabi ka pa at makasakit kapa sa iba Break Ups? Friendship Over? Fangirl prob...