"Di Nakatadhana"

18 0 0
                                    


Tayo'y nagkita sa dating tagpuan
Saglit na nakatitig sa kawalan
At pilit kitang tinititigan
Luha sa mga mata di mapigilan

Mga alaalang pinagsamahan
Mga araw na sabay tayong lumalaban
At sa dami ng ating pinagdaanan
Mapupunta lang din pala sa hiwalayan

Akoy iyong pinagpalit
Ngumingiti parin kahit masakit
Tinatago ang galit
Sinasarili ang pait

Eto na yata ang dulo
Dulo ng kwento na meron tayo
Kahit alam kong hindi talaga ako
Ang tamang tao na nakatadhana sayo

Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now