"ANG ATING TAMANG PANAHON"

19 0 0
                                    


[N]agsimula sa patingin-tingin
[H]anggang sa ika'y napatingin sakin
[P]uso ko'y hindi matulak kabigin
[T]ila nais ng puso ko na ito'y dinggin
-
[N]agsimula sa biruan
[H]anggang sa nauwi sa tinginan
[H]anggang sa malaman ko ang iyong pangalan
[H]anggang sa di na sya naalis sa puso't isipan
-
[G]inoo, sa di inaasahang panahon tayo nagsimula
[P]anahong tayong dalawa ay pinagtagpo ng tadhana 
[P]uso'y sumaya nung natagpuan ka
[D]i mawala ang ngiti sa labi habang ika'y aking nakakasama
-
[N]gunit, umiiba yata ang simoy ng hangin
[H]indi ko ma intindihan ang aking damdamin
[T]ila may nais itong ipahiwatig sakin
[N]a parang ang umalis sa buhay mo ay di ko kayang gawin
-
[D]i ko inaasahan na gagawa tayo ng sariling kwento
[N]a may pamagat na ikaw at ako
[K]wento na kayang kong ilathala sa libro
[N]a mababasa ng buong mundo
-
[G]inoo, ang tanging hanggad ko ay tayo na sa dulo ng kwento
[A]yaw ko na sanang humanap pa ng bago
[N]akontento na ang puso't isip ko sayo
[S]ana'y di kana mawala sa buhay ko
-
[N]gunit kapag dumating ang panahon na ilayo ka sakin ng tadhana
[W]ag kang mag alala kasi hahanapin kita
[A]yokong maupo at tumahimik sa isang banda
[M]aniwala ka sa kapangyarihan ng pag ibig nating dalawa
-
[H]anggang sa masilayan ko ulit ang iyong mga mata
[H]anggang sa mahawakan ko ulit ang mga kamay mo sabay sabing "Mahal, nahanap ulit kita"
[N]ilabanan ko ang tadhana para sayo sinta
[I]to na sana ang tamang panahon na satin ay itinakda

Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now