"LUHA"

12 0 0
                                    

Hindi lahat ng nakangiti, masaya
Hindi lahat ng masaya, wala ng iniindang problema
Minsan kailangan mo lang talaga mag mukang masaya
Dahil kapag pinakita mong malungkot ka
Parang pinakita mo na din na mahina ka
Pero Oo
Mahina ako
Lalo na kung tungkol sayo yung kwento
Sa maikling oras na meron tayo
At hinahayaan mo kong makilala ka ng husto
Hinayaan kitang pumasok sa aking nananahimik na mundo
Kahit walang kasiguraduhan pinagpatuloy ko
Di ko alam kong bakit o pano
Hanggang sa naramdaman kong tumibok ang puso ko
Nong una di ko pa maintindihan kung ano
Hanggang sa aking nagpantanto
Lalong lumalakas at bumibilis ang tibok nito
Pangalan mo na pala ang sinisigaw ng puso ko
Na parang kanina lang nakakubli sa isang sulok ng kwarto
Ngunit ako lang pala ang nakaramdam nito
Ating nararamdaman ay hindi magpareho
Bakit ganito?
Napakahirap kasi, di ko na ramdam yung tunay na saya sa buhay ko
Saya na pinaparamdam mo
Makikita mo akong nakangiti pero parang may kulang hindi buo
O sadyang nakakulong parin ako
Nakakulong sa presensya mo
Hindi ko man masambit pero Oo
Hanggang ngayon durog parin Ang puso ko
Umaasa na balikan mo sana
Pero ang hirap naman kasing magkunwaring masaya
Akala ko ika'y nakalimutan ko na
Pero bakit hanggang ngayon kapag ika'y aking naaalala
Mga luha sa mata ko ka'y bilis kumawala
Pero kailangan na kitang kalimutan sinta
Darating din ang araw na wala na akong mailuluha pa
At sa araw na yun, totoo na akong masaya
Kahit wala kana
💙

Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now