[T]unay at dakila nitong pagibig ko
[D]ito nagmula sa aking dakilang puso
[T]unay na pag-ibig ay di maglalaho
[I]to'y tanging laan lamang sayo aking Ginoo
-
[A]ko'y takot na mag tapat
[B]aka maisipin mong ako'y hindi karapat-dapat
[S]a kagandahan marahil ako'y salat,
[P]ero sa pag-ibig ako sayo'y tapat.
-
[G]inoo ikaw lamang ang nais ko
[P]ero natatakot na sabihin ang lahat ng ito.
[L]ubhang nahihiya kapag ika'y kaharap ko
[D]i makapagbigkas kapag ako'y nasa harap mo
-
[M]akakaya ko kayang sabihin sa'yo ang totoo?
[K]asing lalim ng balon ang pag-irog ko sayo
[G]inoo, di ko man masabi ngunit sana maramdaman mo
[N]itong pag-ibig ko na di mapapantayan ng kahit sino

YOU ARE READING
Spoken Word Poetry
PoetryMay mga Bagay na Di kayang sambitin kaya sa pagsusulat ng tugma ko tinuon ang aking pansin May mga Bagay kasi na mas mabuting nakasulat na lang Kaysa sabihin mo baka may masabi ka pa at makasakit kapa sa iba Break Ups? Friendship Over? Fangirl prob...