Bat ba nagkaganito?
Bat humantong sa ganito yung kwento?
Kaya pa kaya natin ibalik yung Dating tayo?
Yung tayo lamang sa nag iisang mundo?
-
Naaalala mo pa ba?
Kung paano tayo nagkakilala
Kung paano kumislap ang yung mga mata
Kung paano ka ngumiti habang nag uusap tayong dalawa
-
Naalala mo pa ba?
Noong sabay tayong nagpupuyat makausap lang ang isa't isa
Noong hinayaan mo kong mas makilala ka
Noong kahit ikaw lang makausap ko ako'y kuntento na
-
Naaalala mo pa ba?
Kasi ako, Oo naaalala ko pa
Kung paano mo sambiti sakin yung "Gusto na kita"
Yung mga corny mong jokes na sakin ay bentang benta
-
Alaala nating dalawa para sakin ay sariwa pa
Kahit na sa iyo'y isa na lang itong alaala
Alaala nating dalawa
Na alam kong kay hirap ng balikan pa
-
Alaala ng nakaraan
Alaala ng dati nating pinagsamahan
Alaala ng tayo pa'y pagmamahalan
Alaala na parte na ng ating nakaraan

YOU ARE READING
Spoken Word Poetry
PoetryMay mga Bagay na Di kayang sambitin kaya sa pagsusulat ng tugma ko tinuon ang aking pansin May mga Bagay kasi na mas mabuting nakasulat na lang Kaysa sabihin mo baka may masabi ka pa at makasakit kapa sa iba Break Ups? Friendship Over? Fangirl prob...