"IKAW PARIN ANG PIPILIIN"

32 0 0
                                    


"Ayoko sa iba sa'yo ako ay hindi magsasawa ano man ang iyong sabihin umasa ka ito ay diringgin"🎶

Di ko alam kung anong meron sa mga linyang to
At sa bawat salita tila ikaw yung naaalala ko
At kahit ilang ulit ko man sya patugtugin,walang pinagbago
Walang ibang maisip kundi ang tanging pangalan mo
-
Sabi nga sa kanta "Ayoko ko sa iba"
Bakit paku maghahanap ng iba?
Kung ika'y sakin ay sapat na
At kahit meron mang iba, pipiliin parin kita
-
Pipiliin kita kahit parati tayong nagtatalo
Pipiliin kita kahit ika'y sakin ay palaging nagtatampo
Pipiliin kita sa mga panahon na pagod na tayo
Pipiliin kita kahit minsan pinapalaya mo na ako
-
Hindi ako mapapagod na piliin ka
"Sayo ako'y hindi magsasawa"
Kahit sa mga araw na nakalimot mo na ang pangako natin sa isa't isa
Mapapagod man ako pero pipiliin parin kita
-
"Umasa ka't ito ay diringgin"
At kahit dumadami man ang problema na ating haharapin
Puso at isip ko ay sayo parin
Mula noon, hanggang ngayon ikaw parin ang pipiliin

Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now