Kabanata 1: Magpapakasal muli ang aking ina

116 2 0
                                    


May akda: Chai Ji Dan
Tagasalin: NaverGirl
__________

​"'Tay, ikakasal muli si inay."

​"Kung gayon, congratulations sa kasal ng iyong ina."

​Nagising si Bai Luo Yin na pinagpapawisan ang kanyang leeg at tenga. Malapit nang matapos ang tag-araw, ngunit ang mainit na panahon na ito ay laging nagpapagising sa kanya sa umaga. Pinunasan niya ang kanyang pawis gamit ang kanyang kamay, at nakita ang kanyang pawis na tumutulo sa kanyang kamay. Talaga namang maganda ang pakiramdam niya ngayong umaga!

​Isinilid niya ang kanyang paa sa tsinelas, at pumunta patungo sa gripo para basain ang kanyang ulo mula rito. Dahil sa malamig na tubig na nanggagaling mula rito, ay guminhawa kahit papaano ang pakiramdam niya. Ang tatay ni Bai Luo Yin, na si Bai Han Qi, ay nagwawalis sa harap ng kanilang bahay. May taas ito na 1.85 na metro at ang ginawa niya buong magdamag ay gumawa ng gawaing bahay. Kung kaya nitong gawin ng maayos ang gawaing bahay ay walang problema, ngunit sa kasamaang palad, lagi siyang pumapalya.

​Ito ang dahilan kung bakit laging naiinis si Bai Luo Yin kapag nakikita niya itong naglilinis.

​Matapos magsipilyo, uminom si Bai Luo Yin ng tubig galing sa baso at minumog ito, bago idura sa lababo. Binuksan niya ang gripo para alisin ang natitirang toothpaste sa kanyang labi. Dito niya nakita na hindi bumaba ang tubig sa lababo na parang barado ito. Kumuha si Bai Luo Yin ng kahoy na pantusok, saka idinudot ang kahoy sa bara, ilang saglit pa ay mabilis na bumaba ang bara sa lababo.

​"'Tay, itinapon mo nanaman ang brief 'ko sa lababo."

​Sa kalagitnaan ng pagwawalis ni Bai Han Qi ay narinig niya ang pagtawag sa kanya ni Bai Luo Yin, kaya agad niyang itinigil ito. Iniwan niya ang walis at naglakad patungo sa kanyang labahan. Binilang niya ang mga nakasabit na hanger, isa, dalawa, tatlo... at inulit niya ulit ito. Tila may isa ngang brief ang nawawala rito. Malamang sa malamang, ay nadulas ang panloob na ito habang naglalaba siya at tuluyang nahulog sa kantarilya kasama sa maruming tubig.

​"Teka, huwag mong itapon 'yan. Pwede mo pang maisuot 'yan kapag nilabhan."

​Galit na galit si Bai Luo Yin na tila ang kanyang ilong ay pinapawisan. Sumagot siya, "Tama na, ikaw na lang ang magsuot niyan."

​Umalis si Bai Luo Yin sa kanilang bahay. Habang dumadaan sa eskinita, ay nagkataong nakita niya si Yang Meng.

​Ang pangalan ni Yang Meng ay naiiba sa kanyang pagkatao. Ang kanyang tatay ay kilala sa kanilang lugar bilang isang magandang lalaki, mas maganda pa ito kaysa sa karamihan ng batang babae noong kapanahunan nito.

Sa kasamaang palad, hindi bukas ang isip ng mga lokal nung kapanahunan na ito, kaya nagdusa ito habang lumalaki sa ganoong kapaligiran. Samakatuwid, upang mapabuti ang gene ng kanyang anak, ang tatay ni Yang Meng ay nagpakasal sa isang malakas na babae. Kaya, nang ipanganak si Yang Meng, malaki ang inaasahan ng kanyang tatay sa kanyang unico hijo at pinangalanan niya itong "Meng", na ang ibig sabihin ay mabagsik.

​"Anong nangyari sa buhok mo?"

​Hinawakan ni Yang Men ang kanyang ulo, bumakas ang kalungkutan sa magandang mukha nito, "Tama na, huwag kana magsalita. Nang magising ako kaninang umaga, wala na ang lahat ng buhok 'ko."

​"Sinasabi mo bang inahit ng pasikreto ng tatay mo ang buhok mo kagabi?"

​"Siyempre, sino ang gagawa nito maliban sa kanya!"

Adik Sa'yo《Are you Addicted Official Tagalog Translation 》Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon