Kabanata 10: Babalatan ko siya nang buhay!

34 2 0
                                    


May akda: Chai Ji Dan
Tagasalin: NaverGirl
________

"Bai Luo Yin, lumabas ka muna saglit."

Habang nasa self-study period sila, tinawag si Bai Luo Yin ng kanyang Chinese literature teacher.

"Hindi ko alam kung anong problema mo sa akin, o di kaya sa assignment na binigay ko sa'yo. Kung may problema ka sa akin, puntahan mo ako agad. Hindi iyong pinaglalaruan mo ako. Napaka ganda pa naman ng impresyon ko sa iyo bilang estudyante, pero sa ipinapakita mo ngayon, dismayado ako."

Nang marinig ni Bai Luo Yin ang masasakit na salita na iyon, tila naguguluhan siya kung bakit pinapagalitan siya ng kanyang guro.

"Ma'am, pwede mo bang ipaliwanag sa akin kung anong nangyari?"

Akala ng guro ay pinagloloko siya ni Bai Luo Yin, kaya itinapon niya ang essay book sa kanya.

Binuklat ni Bai Luo Yin ang libro at napansin na may nawawalang pahina dito, na para bang may nagpunit. Pinagisipan niya ito nang mabuti. Sigurado siya na kumpleto ang essay niya at sumunod sa requirements ng kanyang guro. Bagaman ang kanyang essay ay hindi pangkaraniwan, wala paring saysay para punitin ang kanyang gawa at pagalitan siya nito.

"Magpaliwanag ka. Anong ibig sabihin nang pagpasa mo ng walang laman na essay book?"

"Walang laman?"

Walang malay na sagot ni Bai Luo Yin, na para bang nagulat ito.

Nangdilim ang pandinig ng guro. "Huwag ka nang magpanggap. Sa ilang taon ko ng pagtuturo, lahat ng kapilyuhan nakita ko na! Bumalik ka sa loob at gumawa ka ng essay. Bilang karagdagan, magsulat ka ng self-reflection letter sa maling nagawa mo"

"Hindi naman po sa ganoon..." Nababalisang nagpaliwanag si Bai Luo Yin, "Ma'am, nagsulat po talaga ako ng essay, pero hindi ko po alam kung sino ang nagpunit."

Dahan-dahang nilingon ng guro ang kanyang ulo at pinandilatan si Bai Luo Yin, nandidilim ang kanyang pangingin at sinabi, "Sinasabi mo ba na ako ang pumunit sa essay mo?"

"Hindi, hindi po iyon ang ibig kong sabihin!"

"Hindi ka na pwedeng um-attend sa susunod na literature class. Manatili ka rito at panilayan mo ang ginawa mo hanggang sa maintindihan mo ang mali mong gawain."

Nanatiling nakatayo si Bai Luo Yin at muli siyang pinagsabihan. "Huwag mong isipin na madali akong apihin!!"

Sinong aapihin? Gigil na tinikom ni Bai Luo Yin ng kanyang bibig. Putangina! Kapag nakilala ko talaga kung sino ang gagong pumunit sa homework ko, ay babalatan ko siya nang buhay!

Sa main street ng Chongwenmen, si Gu Hai at ang dalawa niya pang kaibigan ay kumakain ng hapunan sa isang hot pot restaurant. Masasabi mong mga kababata niya ang mga ito. Lumaki sila sa loob ng kampo ng militar, halos magkasama narin sila ng 10 taon.

"Hindi ka talaga hinahanap ng tatay mo?"

"Hindi."

"Actually, kalmado lamang siya sa mga oras na ito."

Ngumisi si Gu Hai habang kinakalikot ang wine glass sa kanyang kamay bago sumagot, "Paano siya magiging kalmado? Hindi niya ako kayang pasunurin mula pa nung bata ako. Sa pagkakaalala ko, gusto niya na akong iwan. Nahihiya lang siya na palayasin ako."

"Kahit na, ikaw lang nagiisang anak niya. Hindi maaaring ganito siya kalupit sa'yo!"

Nagsalin si Li Shuo ng panibagong wine sa baso ni Gu Hai. Itinaas ng tatlo ang kanilang mga baso ng alak para sa isang toast at iniinom ang alak ng isang lagok.

"Ngayon mo lang napagtanto na ganito siya kalupit? Naalala mo ba, nung mga bata pa lamang tayo, ibinitin niya ako sa bubong at nilatigo ako? Kung hindi lang dahil sa nanay ko, baka hindi niyo na ako kasama ngayon."

Tumango si Zhou Shi bilang pagsang-ayon. "Noong bata pa lang ako, lagi akong natatakot sa t'wing nakikita ko ang tatay mo."

"Tama, nabanggit mo pala na may nagsabotahe sa plano mo at ninakaw lahat ng mga equipments ninyo. Nahuli mo na ba ang gumawa nito?"

Ngayon na naalala muli ni Gu Hai ang pangyayaring iyon, nanggigigil ang kanyang ngipin dahil sa galit.

"Nakita ko na yung mga nakaw na gamit sa second-hand market. Pero dahil yung nagbenta ay gumamit ng pekeng ID, mahirap ipaimbestiga at matunton ang mga gumawa n'on. Gayunpaman, nababahala ako sa taong may lakas ng loob na pagnakawan ako. Gusto ko malaman kung sino ang taon na iyon."

Tumawa lamang si Li Shuo at umiling, "Nako malalagot talaga ang tao na 'yon."

Habang naglalagay ng karne sa hotpot, nilingon ni Zhou Shi Hu si Gu Hai at nagtanong, "Balita ko may anak na lalaki yung napangasawa ng tatay mo. Nakilala mo na ba siya?"

"Mas maganda na huwag siyang magpakita sa akin."

Nang maramdaman nila ang galit ni Gu Hai, tumawa si Li Shuo, "Hindi ka ba natatakot na baka mas magaling pa ang anak niya kaysa sa'yo?"

Umangil si Gu Hai kay Li Shuo at binigyan ito ng matalim na titig, na para bang nanigas ang karne sa loob ng mangkok ni Li Shuo.

Malakas na tinapik ni Zhou Shi Hu ang balikat ni Li Shuo habang at ngumisi ng malaki para mapagaan ang kapaligiran, "Okay na yan, tama na. Tigil na natin ang walang saysay na usapan. Bilisan niyo na kumain."

Adik Sa'yo
Tagalog Translation

Adik Sa'yo《Are you Addicted Official Tagalog Translation 》Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon