Kabanata 11: Isang bag ng toilet paper

43 2 2
                                    


May akda: Chai Ji Dan
Tagasalin: NaverGirl
________

"Bai Luo Yin!"

Sa sandaling narinig ni Bai Luo Yin ang kanyang pangalan, inikot niya ang  kanyang ulo at nakita si Dong Na, isang upperclassman, sa likod niya. Malumanay na ngumiti ito sa kanya na parang isang namumulaklak na bulaklak habang papunta sa kanya. Naglakad siya ng hugis 8 sa harap ng Class 27. Naakit niya halos lahat ng mga mata sa loob ng silid aralan.

"May tanong ako sa'yo."

Mabilis na tinignan ni Bai Luo Yin si Dong Na, "Sabihin mo."

"Sino 'yung gwapong lalaki, na nakaupo sa dalawang row mula sa likod?"

"Maraming tao ang nakaupo sa dalawang row mula sa likod. Paano ko malalaman kung sino yung tinutukoy mo?"

Maingat na lumingon si Dong Na sa paligid. Saka lumapit sa tainga ni Bai Luo Yin, at bumulong, "Kilala mo ito eh, yung gwapong lalaki na nagsusuot ng plaid shirt. Yung laging naka headphones kapag nakikinig ng music. Lahat ng babae sa klase namin tingin ay napaka-cool niyang tao."

Alam ni Bai Luo Yin kung sino ang tinutukoy ni Dong Na, pero hindi niya makita kung saan banda yung kaakit-akit kay You Qi. Ang nasa isip niya lang ay ang desk nito na puno ng gamit na tissue.

"Sa tingin mo, kapag hinabol ko siya tatanggapin niya kaya ako? Sa ganda kong ito, may pag-asa ba ako?"

Sandaling tumahimik si Bai Luo Yin at umirap sa kanyang isipan. Ang tanging nasa isipan niya lamang ay umuwi agad, kaya madali niya itong sinagot, "Oo naman."

"Talaga?"

Hinila ni Dong Na ang balikat ni Bai Luo Yin, "Kung ganoon, sabihin mo sa akin kung ano ang gusto niya? Lagi ko kayong nakikita nang magkasama."

Malapit nang mainis si Bai Luo Yin, kaya inalis niya ang kamay ni Dong Na sa kanyang balikat. Pagkatapos matapat niyang sinabi, "Bigyan mo siya ng malaking pack ng toilet paper. Tandaan mo hindi isang roll, isang buong pack."

Matapos nito, agad na bumaba si Bai Luo Yin sa hagdanan.

Sumigaw si Dong Na, "Isang pack ng 12 rolls o 10 rolls?"

Nang marinig ni Bai Luo Yin ang salitang iyon, halos madulas siya sa hagdan. Masigasig namang hinabol ni Yang Meng si Bai Luo Yin at inakbayan ito sa balikat sabay tumawa.

"Kanina sa klase namin, bumoto kami kung sino ang pinakamagandang babae sa klase. Nakita ko yung results, limang babae ang may parehong bilang ng boto at lahat sila magaganda. Para sa akin yung pinaka maganda ay yung may nunal sa dulo ng kaliwang mata niya..."

Hindi alam ni Yang Meng, nanatili lang ang tingin ni Bai Luo Yin sa red-bricked na pader. Agad namang itong tinulak Yang Meng, "Nakikinig ka ba sa akin?"

"Oo naman. Sabi mo bumili yung lola mo ng kalahating kilong green persimmon."

Sinampal naman ni Yang Meng ang kanyang noo sa pagkayamot, lahat ng sinabi niya ay baliwala lang. Nang makita na tulala si Bai Luo Yin, tinanong niya ito, "Iniisip mo ba si Shi Hui?"

Nanlaki ang mata ni Bai Luo Yin, nang marinig ang pangalan na iyon.

"Hindi naman sa ganon."

"Eh, ano?"

Ilang saglit pa ay sumagot si Bai Luo Yin, "Iniisip ko kung sino yung pumunit ng essay ko."

Ang inuupahang bahay ni Gu Hai ay may sakop na 120 square meters na may isang kwarto at isang banyo. Halos ang natirang space ay puno ng sporting equipment. Dahil iyon sa nakaugalian niya, na halos makabuo siya ng obsessive-compulsive disorder, sa page-exercise araw-araw; dahil ito sa kanyang tatay, si Gu Wei Ting, na pinilit siyang mag ensayo at mag-exercise sa loob ng kampo sa loob ng limang taong gulang. At kapag hindi siya nag-exercise, pakiramdam niya hindi siya nakakain sa loob ng isang araw.

Nag-push-up si Gu Hai ng dalawang daang beses at sinabayan ito ng isang oras na high-speed treadmill run. Kinumpleto niya ang kanyang matinding pag-eehersisyo gamit ang boxing routine sa pamamagitan ng brutal na pagsuntok sa sandbag. Habang sinusuntok niya ito, inisip niya si Gu Wei Ting, Jiang Yuan, at ang kanyang step-brother na hindi niya pa nakikita, dahil dito, labis siyang natuwa.

Natapos siyang mag-ehersisyo, sumapit na ang 8:00 PM. Inunat ni Gu Hai ang kanyang kamay patungo sa kanyang school bag at nilabas ang isang essay paper. Hinangaan niya ito ng saglit, saka gumupit ng scotch tape at dinikit ito sa itaas ng lamesa. Sunod nito, kumuha siya ng isang manipis na papel at inilagay ito sa itaas ng essay, saka ginaya ang nakasulat dito.

Labis niyang hinangaan ang sulat nito. Iba ito sa standardized regular script, at hindi rin ito isang semi-cursive script. Personal na nilikha ni Bai Luo Yin ang style na ito na parang isang kalmadong tao ang nagsulat, ngunit taglay parin ang lakas nito.

Sumunod na araw, pumasok si You Qi sa classroom gamit ang pintuan sa likod at kaswal na tinapon ang kanyang bag sa taas ng kanyang desk. Hindi niya namalayan na nahulog ang isang malaking bag ng toilet paper sa sahig. May isang maliit na papel sa ilalim ng bag ng tissue na dumulas at lumipad ito tungo sa desk ni Bai Luo Yin.

Nakita ito ng kanyang mga classmates at palihim na tumawa sa likod niya. Itong si You Qi lagi na lang nagdadala ng maraming toilet paper.

Binaliwala ni You Qi ang mga titig sa kanya at kinuha ang nahulog na toilet paper. Hindi ito magkasya sa ilalim ng kanyang desk, kaya nilagay niya ito sa tabi ng kanyang upuan. Nang lumingon siya, nakita niya ang maliit na papel sa itaas ng desk sa likod niya.

'Para sa'yo.' Ito ang nakalagay sa papel.

Natameme si You Qi.

Binigay ito ni Bai Luo Yin? Bakit niya ako binibigyan ng toilet paper?

Walang imik na nakatitig ito sa kanyang desk. Nakita siguro ni Bai Luo Yin na punong-puno ang drawer niya ng gamit na tissue at napagtanto na hindi ito sapat, kaya binilhan siya nito ng para lamang sa kanya. Sa totoo lang, madalas na cold-hearted ang tao na ito, ngunit mali pala ito nang akala.

Lumipas ang 20 minutong self-study period, pumasok si Bai Luo Yin sa klase. Sa ilalim ng mga mapagbantay na titig sa kanya, dahan-dahan itong naglakad tungo sa dulong upuan, kinuha ang English textbook at nagaral sa labas ng klase. Regulation ito sa school, na kapag may late na estudyante kailangan nilang tumayo sa labas ng classroom.

Isang linggo na ang lumipas mula nang magsimula ang klase, pero hindi pa uma-attend si Bai Luo Yin ng self-study period sa loob ng classroom.

"Hoy!"

Tinawag ni You Qi si Bai Luo Yin, hawak ang isang bag ng toilet paper sa kanyang kamay, "Salamat!"

Nagulat si Bai Luo Yin. Ang tanga talaga ng babaeng iyon. Akalain mo 'yon, bumili talaga siya.

"'Di ako dapat ang pasalamatan mo. Hindi naman ako bumili niyan."

Ngumisi si You Qi, "Ano naman ang ikinahihiya mo? Hindi mo naman ako binilhan ng napkin!"

"Fuck You!"

_______

Translator's Note:

Ano sa tingin niyo ang maganda, palitan ko yung mura sa tagalog or huwag? 🤔

Adik Sa'yo
Tagalog Translation

Adik Sa'yo《Are you Addicted Official Tagalog Translation 》Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon