Kabanata 5: Huwag mong banggitin ang pamilya nila.

58 2 0
                                    


May akda: Chai Ji Dan
Tagasalin: NaverGirl

______

​"Gumising ka na, huwag mong tatangkain na matulog muli. Tumayo kana diyan at bumili ka ng gamot para sa iyong lola."

​Inaantok na kinamot ni Bai Luo Yin ang kanyang mga mata at nakitang madilim pa ang kalangitan.

​"Hindi mo na kailangan na kumuha ng numero para bumili ng gamot. Kapag may reseta ka ng doktor, pwede ka ng pumila agad." Mahinang humalingling si Bai Luo Yin, at itinalikod ang kanyang katawan.

​Hirap pang tumayo si Bai Luo Yin, gayupaman, kahit labag sa kanyang kalooban ay tumayo ito sa kanyang kama. Kada umaga, ang almusal nila sa nakalipas na 10 taon ay ukoy at taho. Araw-araw, sa pagsapit ng umaga, si Bai Han Qi ang unang pupunta sa tindahan ng almusal para bumili ng agahan. Bagaman kung minsan ay hindi pa dumadating ang tindera, matiyagang naghihintay ito sa tapat ng tindahan hanggang sa dumating ito. Unti-unti, naging pamilyar sila sa isa't at sa bawat oras na pupunta si Bai Han Qi sa tindahan, dali-daling nagbalot ang tindera ng masarap na agahan para ibibigay ito ay Bai Han Qi.

​"Busog na ako." Ibinaba ni Bai Luo Yin ang kanyang kutsara.

​Tinignan ni Bai Han Qi ang kanyang anak, "Palagi kang umaalis ng may tirang pagkain sa plato mo." May nakaugalian si Bai Luo Yin. Anuma'ng uri ng pagkain na kainin niya, lagi siyang nagiiwan ng sansubo sa plato. Kahit na hindi pa siya busog, may katiting na pagkain lagi ang tinitira niya, at ang ugali niya'ng ito ay naganap noong bata pa si Bai Luo Yin. Noong siya ay bata pa, hindi kinakain ni Bai Han Qi ang pagkaing nakahain sa kanya para itabi ito kay Bai Luo Yin. Dahil rito, labis ang pagmamahal ni Bai Luo Yin sa kanyang ama kasama ng pagkaawa niya ito. Kaya, lagi itong nagiiwan ng sansubong pagkain sa kanyang plato.

Kahit na masagana siyang makakakain ngayon, ang kinaugalian niyang ito ay hindi na mababago kahit kailan.
Biyernes ngayon at wala ang doktor hanggang sa katapusan ng linggo. Samakatuwid, ang pila sa ospital ay napakahaba. Lalo na sa tatlong nangungunang mga ospital, puno ito ng mga tao para bisitahin ang doktor. Higit pa rito, ang dami ng mga tao rito ay tulad ng dami ng tao t'wing rush hour sa LRT at MRT station.[1]

"Pare, natapakan mo ang paa 'ko."

"Imposible, ni hindi nga naglalapit ang mga paa natin."

"...."

Sa pila, nakatayo si Bai Luo Yin sa likod ng magandang babae. Hindi inaasahan, itinulak siya ng taong nasa likod niya, kaya nabundol ni Bai Luo Yin ang babaeng nasa harapan niya ng pauli-ulit. Hindi niya alam kung maiinis siya o matutuwa rito. At kapag nabundol niyo muli ito, ay baka maaring mabuntis niya ito.

"Hi, pogi."

"Tinatawag kita."

Iniisip parin ni Bai Luo Yin ang magandang babae sa kanyang harapan, hanggang sa tinapik siya sa kanyang balikat ng taong nasa likod niya. Tumingin siya ng patagilid at napagtanto, tila ang dalawang babae, na may parehong itsura at pananamit, ay nawala na sa pila.

"Hey gorgeous. Bibigyan kita ng dalawang mapagpipilian, aliman rito ay hahayaan mo akong tumayo sa harapan mo o ibibigay mo ang phone number mo."

"136XXXXXXXX"

Bumungisngis ang dalawang babae habang naglalakad palayo.

Naghintay ng matagal ang babae sa kaharapan ni Bai Luo Yin hanggang sa makapagsalita ito, sa wakas ay nakakuha ito ng lakas ng loob at lumingon sa kanyang likod, "Iyon ba talaga ang number mo?"

"Wala akong cell phone."

"..."

Matapos niyang maghintay hanggang tanghali, sa wakas ay nakauwi na si Bai Luo Yin dala ang supot na may gamot. Hindi naman ganoon kahirap ang pamilya nila, mukha lamang silang mahirap sa kadahilanang may dalawang matanda sa kanilang bahay. Kailangan nilang gumastos ng 1057 yuan at 3.2 mao[2] para sa buwanang gastos sa gamot. Umaasa na lamang sa gamot ang kanyang lola upang mapanatili ang kanyang kondisyon. Samantala, ang kanyang lolo naman ay may cerebral thrombosis (stroke), at para maiwasang maulit ito, paminsan-minsan kailangan nito ang IV drip therapy.

Adik Sa'yo《Are you Addicted Official Tagalog Translation 》Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon