Kabanata 8: Paano mo basahin ang salitang ito?

41 3 1
                                    


May akda: Chai Ji Dan
Tagasalin: NaverGirl

________

​"Ito ang mga index card na may pangalan ng mga kaklase mo. Sundin mo lang ang pagkakasunod at alamin mo ang mga upuan nila, pagkatapos ay isulat mo iyon sa seating list. Ibigay mo ito sa akin matapos ang klase mo."

​Tahimik na kinuha ni Bai Luo Yin ito, at agad na inilista ang mga pangalan nito isa-isa.

​Lahat ng mga lalaki ay tumingin sa katabi ni Bai Luo Yin na may paghanga sa mga tingin nito. Pangalawang araw pa lamang ng klase, at binibigyan na siya ng guro ng gawain para tulungan ito, bakit? Sa katunayan ay kinaugalian na ito ni Bai Luo Yin. Kada pagpasok niya sa bago niyang klase, lahat ng nagiging guro niya ay pumupunta sa kanya at nagpapatulong para ipaayos ang seating arrangement, dahil sa maganda nitong sulat.

​"Gao Chao, Wang Jian, Wei Ze Long, Gu Xin, Fang Xiao Shi..."

​Sinulat ni Bai Luo Yin ang pangalan nila isa-isa sa papel. Ngunit nang kunin nito sa pang-apat na na papel bago matapos, ay nabaghan ito.

​"Gu... Ke? Hindi maari."

​"Gu... Mu? Sino naman ang gustong matawag ng ganito?"

​"Gu... Lang? Hindi tama."

​Matapos malito nang halos na isang minuto kakatingin sa papel, tinapik ni Bai Luo Yin ang balikat ni You Qi.

​"Hoy, alam mo ba kung paano basahin ang salitang ito?"

​Hinawakan ni You Qi ang iisang card na ito sa isa niyang kamay, habang ang hintuturo niya sa kabilang kamay ay sinasalat ang kanyang ilong, pa-cool itong nagiisip ng malalim. Ilang segundo ang lumipas, ay bigla siyang nabahing, bago pa man kunin ang tisyu para humihip sa kanyang ilong. Pagkatapos nito, ang tanging sinabi niya ay, "Bakit parang artista ang sumulat dito?"

​"Kinaiinisan 'ko ang ganitong tao!"

​Sa katunayan, ilang taon ng ginagawa ni Bai Luo Yin ito, lahat ng klase ng sulat ay nababasa niya. Pati na rin ang mga pangit at hindi maintindihan ang sulat ay nababasa niya. Pero, ang pinaka ayaw niya sa lahat ay ang taong nagpapanggap na magaling at iniiba ang istraktura ng mga letra, para hindi niya ito tuluyang mabasa.

​"Kung gusto mo pumunta ka sa kanya at tanungin mo. Nakasulat naman sa index card kung pangilang upuan siya nakaupo. Puntahan mo na siya para matapos mo na iyan!"

​Lingid sa kaalaman ni Bai Luo Yin na ang tao na ito, ang magpapabago sa buhay niya.

​Naglakad si Bai Luo Yin sa upuan ni Gu Hai at kinuha ang lahat ng libro ni Gu Hai sa kanyang lamesa. Halos lahat ng pangalan na nakasulat rito ay kapareho ng nakasulat sa index card.

Samantala, tumingin si Gu Hai sa kanyang aklat. Subali't pagkatapos, may biglang kumuha ng libro sa kanya. Mahinahong binuksan ni Bai Luo Yin ang aklat nito sa unang pahina. Naroon ang pangalan ni Gu Hai, tulad ng sulat nito sa index card. Ang istilo ng kanyang pagsusulat ay ni hindi mabasa at maunawaan kapag binasa mo.

"Anong gusto mo?" Isang malalim ngunit mahinang sabi nito.

Tumingin si Bai Luo Yin kay Gu Hai at sinabi, "Inutusan ako na magsulat sa seating list, ibigay mo ang pangalan mo."

"Gu Hai."

Natigilan si Bai Luo Yin ng ilang saglit, bago mag salita.

"Kung tao ka, magsulat ka ng parang tao!"

Bahagyang nainis si Gu Hai sa sinabi nito. Walang sinuman ang mapangahas na magsalita sa kanya ng ganito, maliban sa kanyang tatay. Sa halos sampung taon, ay nakakasundo ni Gu Hai lahat ng kakilala niya dahil sa kanyang estado sa buhay. Ngunit ngayon, ordinaryong sibilyan na lamang siya.

Sa totoo lang, hindi narin masama ang mainsulto kahit paminsan-minsan.

Ang salitang ito ay Hai? Balisadong tinignan ni Bai Luo Yin ang papel nito. Paanong naging Hai ang salitang ito? Ni hindi nga malapit!

Nainis ng bahagya si Bai Luo Yin, bago pumunta sa kanyang silya at isinulat ang pangalan nito sa papel.

Adik Sa'yo
Tagalog Translation

Adik Sa'yo《Are you Addicted Official Tagalog Translation 》Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon