A/N Merry Chritsmas sa inyong lahat! Para sa inyo ito! :) Love you much! Please share, vote and drop your comment for our comment party!
Social Media Spontaneous Lady -- Get to know me! Magkulitan tayo!
twitter: @lady_25me
facebook: https://www.facebook.com/jayson.aldama.5
booklat: http://www.booklat.com.ph/profile/14488
CHAPTER FOUR
Hinarap na ni Bel ang lalaki.
“Evan? Eve?” tanong niya rito. Nagtataka man siya dahil lubos niyang inakala na si Elan na ang lumapit noon pala ay ang kakambal nito ay nagyakap pa rin sila ng mahigpit.
After twelve years ay reunited na sila ng kababata. Na-miss niya rin ito. Babaeng-babae na ngayon ang Evan na kayakap niya. Ganap na itong Eve. Ang nakakapagtaka lang ay parang yakap ni Elan ang nararamdaman niya habang kayakap ito. Ito yung yakap na nakakawala ng lungkot at sakit. Ito yung yakap na matagal na nyang hinahanap. Pero imposible dahil si Evan ito. Itsura palang ay Evan na.
“I miss you much Eve. I’m sorry kung ngayon lang ako bumalik. I’m sorry dahil sa ganitong pagkakataon pa tayo muling magkikita.” Bulong niya rito.
“I miss you so much.” Boses ng lalaki ang narinig niyang boses. Umiiyak si Evan pero kaya pa rin pala nitong magboses lalaki. Sabagay ay lalaki pa rin naman ito.
Makalipas ang ilang minutong pananatili sa bisig ng isa’t-isa ay naghiwalay na ang dalawa. Matatamis na ngiti ang kanilang binigay sa bawat isa para sa muli nilang pagkikita.
Hinawakan ni Evan ang mukha niya upang punasan ang mga luha. Mga ala-ala na dating ginagawa sa kanya ni Elan ang rumaragasang bumalik sa kanyang gunita. Naisip niyang sobrang miss na niya ang kakambal ni Evan.
“Ikaw ha girl na girl ka na.” tukso niya rito.
“Ganun talaga. Dream come true.” Malambing na boses na sagot nito.
“Pero bakit hindi mo pa pinatanggal ang Adams apple mo?” hindi niya tuloy naiwasang itanong dito dahil sa narinig na boses lalaki kanina. “Ikaw ha, pinatanggal mo na yung sa baba mo tapos pinadagdagan mo na yang dibdib mo pero yang source ng lalaking boses mo hindi mo pa pinatanggal.”
“Ha?” matipid na tugon lang nito.
“Kanina nung magkayakap tayo lalaki yung boses mo eh.” Pinagmasdan niya ang Adams apple nito. “Oh tingnan mo meron pa.” turo niya roon. May scarf sa leeg si Evan ngunit nakalaylay na ito kaya mabilis naman nito iyong itinaas upang matakpan ang Adams apple.
Nilapit nito ang mukha sa kanya saka bumulong. “Mahal kasi yung hormone pills na iniinom ko. Magastos din ang pagpapatapyas at pagpapadagdag kaya pinag-iipunan ko pa yan. Tiyagaan muna sa pagpapagirl ng boses. Huwag ka nalang maingay ha? Bakit ma-turn off ang mga boys eh.”
Nangiti siya sa sinabi nito. Hinawakan niya ang kamay ng kababata. “I’m really sorry sa pagkawala ni Tita. I missed her so much. Nalulungkot ako na ganito kami uli magkikita.”
“Malungkot din ako sa nangyari kay Mommy. Mamaya na natin pag-usapan yan. May paparating.”
Sa sinabi nito ay napatingin si Bel sa kanyang likuran. Muling bumalik ang matinding kaba sa kanyang puso. Ito ang sandaling matagal niyang pinaghandaan. Ang muli nilang pagkikitang mag-ama. Papalapit ito sa direksyon nila ngayon ni Evan. Putting buhok lang ang nagbago rito ngunit tulad pa rin ito ng dati mataba at malaki ang tiyan. Malungkot ang mukha nito binabagay sa sitwasyon. Hindi niya alam kung minahal ba talaga nito ang Tita Elyssa niya o ginamit lang ito para marating ang mga ambisyon sa pulitika. Hindi niya alam kung nalulungkot ba talaga ito o naglulungkut-lungkutan lang.
BINABASA MO ANG
HE'S A SHEMALE FOR REVENGE; SHE'S INTO HIM FOR LOVE
Short StoryMagiging tagapagtanggol ni Bel si Elan laban sa malupit niyang ama. Sa murang gulang ay uusbong ang pagmamahalan sa pagitan ng dalawa. Ngunit ang sukdulang kasamaan din ng ama ni Bel ang magdudulot sa kanya upang magdesisyon na umalis. Iiwan niya si...