Chapter Two

1.1K 32 6
                                    

CHAPTER TWO

Niyakap din ng mahigpit ni Bel si Elan. Habang magkayakap ay tila nawala ang lumbay na nararamdaman niya. Kung pwedeng manatili nalang siya sa mga bisig nito ay iyon ang pipiliin niya.

“Mami-miss kita.” Sabi ni Bel sabay sa muli niyang paghikbi.

“Hindi mo ako mami-miss dahil hindi naman kita iiwan eh. Agad na akong uuwi every Friday para hindi ka masaktan ni Monster.” Umalis ito sa pagkakayakap sa kanya.

“Sino si Monster?” tanong niya.

“Eh sino pa ba? Yung Daddy mo. Si Uncle Monster.” Tumayo pa ito at umastang nilalakihan ang katawan. Mataba kasi at malaki ang tiyan ni Senando.

Sabay silang tumawa at nawala ang seryosong awra ng paligid. Alam talagang pasayahin ni Elan si Bel.

“Mami-miss ko yang kakulitan mo.” Pilit na ngiti ang naiwan sa labi ni Bel mula sa kaninang mga halakhak na binitawan niya. Mabilis na bumalik sa seryoso ang atmosphere sa loob ng kanyang kwarto.

“Ano bang miss ang pinagsasasabi mo? Kanina ka pa ah.” Naupo muli sa tabi niya si Elan. Nginusuan siya nito. Natural na sa binatilyo ang mabilis mapikon.

“Yang nguso mo tumutulis na naman. Nagagalit ka ba?” hinawakan niya ang mga pisngi nito saka hinatak upang ma-stretch ang mga labi nito.

Sa pagtatama ng kanilang mga mata ay nakaramdam silang pareho ng pag-ibig. Hindi pa nila alam na pag-ibig na ito. Masyado pa silang bata sa ganoong mga bagay. Isa lang ang alam nila ngayon, mahalaga ang bawat isa sa kanila. Magkaibigan sila at ayaw nilang malayo sa isa’t-isa. Iyon ang bagay na sisirain ni Bel at pilit niyang paglalabanan.

Napabitaw siya sa pagkakahawak sa pisngi ng lalaki. Iniwas niya rin ang tingin dito.

“Galit ako dahil ayokong ma-miss mo ako. Kapag na-miss mo ako ibig sabihin hindi na kita pinagtatanggol. Ibig sabihin non wala na ako sa tabi mo. I will never do that Bel.”

Tila namula ang pisngi niya sa sinabi nito. Nag-uumapaw ang kaligayahan na nararamdaman niya. Ngunit ang kaligayahan na iyon ay sa luha niya inilabas. Buo na ang kanyang desisyong umalis sa mansyon. Tanggap na niya na hindi siya matatanggap ng ama. Natatakot na siya rito. Monster na talaga ito at baka may iba ng magawa sa kanya.

“Salamat Elan ha? Pangako babalik ako kapag kaya ko ng harapin si Daddy. Baka kapag nakatayo ako sa sarili kong mga paa ay matanggap na niya ako. Baka kapag nakakatayo na ako sa mga paa ko ay matapang na rin ako. Kailangan kong maging matapang.” Aniya habang patuloy sa pag-iyak.

“Ano ba’ng pinagsasasabi mo? Where are you going? Dito ka lang! Tuturuan kita kung paano maging matapang.” Hinawakan nito ang kanyang mga kamay. Mahigpit iyon tanda ng ayaw nitong mawalay sa kanya.

“Aalis na ako rito. Lalayas na ako.” Tugon niya.

Walang pasabi na naman siyang niyakap nito. Mas mahigpit ngayon.

“Hindi ka aalis! Dito ka lang! Hindi ako papayag! Hindi ako pumayag kaya hindi ka na lalayas! Gusto ko kapag eighteen na ako makikita mo kapag ipina-tatoo ka ang pangalan mo.” Narinig niya ang pagtangis ng binatilyo.

Ang matapang na si Elan ay umiiyak dahil ayaw siyang mawala. Nagdadalawang isip na tuloy siya ngayon kung aalis pa siya. Dito ay may magtatanggol pa rin naman sa kanya. Marahil hindi lang si Elan ang malulungkot pati na rin ang kambal nito at si Elyssa. Isasantabi na muna niya ang kanyang plano. Kahit kasi sabihin niya pa sa kanyang sariling papatunayan niya sa ama na kaya niyang tumayo sa sariling mga paa at maiaahon niya ang sarili upang maipagmalaki sya nito at magawang tanggapin. Mahirap pa rin yon. Hindi pa rin madali. Wala siyang kilala sa labas ng masnyon. Sino ang pupuntahan niya? Sino ang matatakbuhan niya? Aasa siyang matututunan niya ring maging matapang dito sa loob ng mansyon sa tulong nila Elan.

HE'S A SHEMALE FOR REVENGE; SHE'S INTO HIM FOR LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon