A/N Nangalahati na po tayo. Sana po ay mai-share niyo na po. Thank you. :) Vote, comment din po. Love you all much! Mwah! :)
CHAPTER SIX
Ilang damit lang ang dala ni Bel. Kulay puti at itim pa ang mga ito upang iakma sa sitwasyon. She decided to borrow a dress from Eve. Hinayaan naman siya niyong mamili sa closet nito. Napakarami nitong magagandang damit. Nahihirapan siyang mamili.
Dapat ba medyo daring o conservative? Elegant ba o classy? Tanong niya sa sarili habang nasa harap malaking salamin sa loob ng kwarto ni Eve.
“Eve? Eve?” tinawag niya ang kababata ngunit hindi ito dumarating. Naisip niyang baka abala na ito sa pag-aasikaso sa baba. Bahagya tuloy siyang nakonsensya dahil funeral service pa nga pala ni Elyssa. Pero sumagi rin sa kanyang isip na baka kailangan ngayon ni Elan ng karamay. Nawalan ito ng ina. Baka ito na ang pagkakataon niyang iparamdam sa lalaki na siya naman ang handang dumamay dito kapag ito ay nalulungkot. Kung tutuusin ay twelve years na ang lumipas. Marami ng nagbago. Isa lang ang hindi, ang nararamdaman para kay Elan. Mas lalo pa itong umusbong sa mga taong lumipas.
Para hindi pa rin nalalayo sa sitwasyon ay napili ni Bel ang isang violet dress na above the knee. Sleeveless ito ngunit simple lang at wala ng ibang arte pa. Nilugay niya lang ang kanyang buhok. Nagsuot ng isang simpleng hikaw. Nag-ayos ng kaunti sa mukha. Handa na siyang muling makita ng lalaking pinananabikan.
Umalis siya ng mansyon na nag-aayos na ang mga katulong sa baba. Nililinis ang malaking bahay dahil sa mga duming naiwan kagabi at upang ihanda na rin ito sa huling gabi ng lamay ni Elyssa. Bago tuluyang umalis ay lumapit na muna siya sa ataul ni Elyssa.
“Tita magkikita na muna po kami ngayon ni Elan ah. Baka kailangan po ako ng anak niyo eh.” Sambit niya rito.
Tama si Bel kailangan siya ngayon ni Elan. Lubos na kailangan.
Masaya si Elan na nagbalik na si Bel. Dapat ay na-anticipate nyang babalik ito dahil namatay ang kanyang ina na tinuring na nitong pangalawang magulang. Kung tutuusin ay mabigat talaga ang loob ng binata ngayon dahil sa sinapit ng kapatid na nais niyang ipaghiganti pagkatapos ay namatayan pa ito ng ina. Kaya naman ng makita niya si Bel ay kahit papano ay gumaan ang kanyang loob. Kahit nasa katauhan ni Evan ay alam na niyang may tunay siyang karamay.
Nakita niya ang pananabik ng dalaga na muli siyang makita. Hindi na rin naman siya makapaghintay na makita siya nito bilang si Elan talaga kaya minabuti niyang makipagkita na rito. Pagkasabi kay Bel na gustong makipagkita ni Elan ay kaagad siyang umalis ng mansyon dala ang damit na isusuot niya bilang si Elan na talaga. Pagdating sa pinag-usapang restaurant ay nagpalit siya kaagad ng damit. Long sleeve polo ang suot nya upang hindi nito mapansin ang pagbabago sa kanyang katawan dahil sa pagpapanggap. Inalis niya ang wig na suot. Inayos niya ang kanyang tunay na buhok. He made himself very appealing. Kailangang siya ang pinakagwapong lalaki na makikita ni Bel. Dahil sa hormone pill na iniinom ay mas lalo siyang nagmukhang babae kahit na lalaki na ang kanyang gayak. Gayunpaman ay nadadala pa rin ng kanyang masculine na pagkilos kaya naman hindi na iyon mapapansin pa.
Umupo na si Elan sa pina-reserve na seat para sa kanila ni Bel.
Nahuli naman ng mga sampung minuto si Bel. Nasa labas kasi ng mansyon si Senando kausap ang ilang kapartido. Pinaalis niya muna ang mga ito sa labas. Ayaw niyang mag-krus ang landas nila ng demonyong ama. Umaga palang, ayaw niyang masira ang kanyang araw.
Pagpasok sa restaurant dahil umaga palang ay wala pang ibang kumakain maliban sa isang lalaking nag-iisang nakaupo sa isang table for two sa gawing kanan ng resto.
BINABASA MO ANG
HE'S A SHEMALE FOR REVENGE; SHE'S INTO HIM FOR LOVE
Short StoryMagiging tagapagtanggol ni Bel si Elan laban sa malupit niyang ama. Sa murang gulang ay uusbong ang pagmamahalan sa pagitan ng dalawa. Ngunit ang sukdulang kasamaan din ng ama ni Bel ang magdudulot sa kanya upang magdesisyon na umalis. Iiwan niya si...