Chapter Ten

648 18 3
                                    

A/N   Chapter eleven and epilogue nalang, tapos na ang first short story ko. :) Please share, vote and comment na po. Thank you! :)

Social Media Spontaneous Lady -- Get to know me! Magkulitan tayo!

twitter: @lady_25me

facebook: https://www.facebook.com/jayson.aldama.5

booklat: http://www.booklat.com.ph/profile/14488

instagram: spontaneous_aldama

twitter-pipilitin kong lahat ng writing and story life ko ay dito i-tweet para sa inyo

facebook- more personal post po dyan pero pinaka-active ako, makikilala niyo ako dyan ng bongga! may writing post din naman ako dyan at madalas din kaya. Feel free to comment and message me po!

booklat- expansion ng aking writing life!

instagram- lahat ng pictures ng special moments ko at ang mga kaharutan ko ay dito niyo matatagpuan

CHAPTER TEN

Tulad ng inaasahan maliban sa pagkain na nakahain sa romantic table arrangement ay pati ang walang katapusang pagtititigan ay pagsasaluhan nila Bel at Elan. Pansin na pansin iyon ni Bel.

“Hindi ka ba nagsasawang titigan ako. Sayang yung pagkain oh. Mas marami ka pang naititig sa akin kaysa sa nakain mo. Kung pagkain lang ako malamang ako yung ubos na kanina pa.” sarkastikong pahayag ni Bel bago isubo ang pagkaing nakatuhog sa tinidor.

Umiling lang si Elan habang nagpapa-cute na naka-pout. Napangiti si Bel sa reaksyon nito.

“Wala ka pa ring pinagbago. Playful ka pa rin.” Puna niya.

“Mmmm… Pikon pa rin ako. Mahal pa rin kita.” Dugtong nito.

“Matapang ka pa rin.” Pagpapatuloy naman niya.

“Basta alam kong tama ipaglalaban ko. Ipagpapatuloy ko Bel.” Naging seryoso ang mukha nito. Tiningnan nito ang mga crew sa kanilang paligid hudyat upang umalis na muna ang mga ito. Napatingin din tuloy si Bel sa pag-alis ng mga ito.

“Bel.” inabot nito ang kanyang kamay. “Bel patawarin mo ako pero naglihim ako sayo. Hindi talaga si Evan ang nakasama mo nitong mga nakaraang araw. Ako yun Bel.” nagtapat na si Elan ng totoo.

Hindi mukha ng pagkagulat ang binigay na reaksyon ni Bel para sa lalaki kundi isang matipid na ngiti.

“Alam ko Elan. Alam ko.” Pagtatapat din nya.

Sa sinabing iyon ni Bel ay tila si Elan pa ang nabigla pero napangiti rin ito.

“Kaya pala iba na ang kinikilos mo. Kasi alam mo na. Bakit hindi mo ako inaway o sinabihang alam mo na pala ang totoo?” tanong nito.

“Kasi nalaman kong dalawang taon ng nawawala si Evan. Tapos sabi mo ay may mahalaga kang gagawin. Naisip kong baka may kinalaman iyon sa pagkawala ni Evan at sa pagkamatay ni Tita Elyssa. Ayoko naman sirain ang mga plano mo. Ayokong ma-out of focus ka. Kaya naman lihim kitang sinuportahan kahit na hindi ko alam ang tunay mong layunin kung bakit ka nagpapanggap.” Ginantihan niya ang paghawak sa kanyang kamay ng binata.

“Salamat Bel. Salamat. Pero Bel sana mapatawad mo ako.” Napayuko si Elan at nawala rin ang higpit ng pagkakakapit nito sa kanyang kamay.

“May nagawa ka bang hindi maganda? Elan magsabi ka lang. Tulad ng sabi mo kung tama yan walang dahilan para hindi kita mapatawad.” Siya naman ang humawak ng mahigpit sa mga kamay nito.

HE'S A SHEMALE FOR REVENGE; SHE'S INTO HIM FOR LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon