Chapter Five

853 27 4
                                    

A/N     Happy New Year!

CHAPTER FIVE

Matapos kausapin ni Evan ang lalaking kanina’y nilalandi si Bel ay isa na namang lalaki ang lumapit sa kanya. Pasimple siya nitong hinawakan sa braso saka isinama sa isang kotse sa labas ng mansyon.

Pagpasok sa kotse ay kaagad na hinatak ng lalaki ang scarf sa kanyang leeg. Halata sa mga titig nitong naiinis ito sa kanya.

“Tol why it seems to me that you’re messing all our plans! Almost two years nating pinagplanuhan to tapos parang wala ka sa sarili mo?!” sabi sa kanya ni Jeric. Best friend nina Elan at Evan ang lalaki magmula pa noong high school. May lihim itong pagtangi sa transgender na si Evan o mas kilala sa Eve ngunit hindi nito inaamin sa kanila at sa kanyang sarili. Maliban sa hindi katanggap-tanggap sa lipunan ay may nobyo na si Eve kaya minabuti nalang nitong ilihim ang nararamdaman. Pinapaniwala nito ang sariling naguguluhan lamang sa mga bagay-bagay lalo na sa relasyon nila ng transgender.

“Tol nilalandi ng gagong lalaking yun si Bel. He’s flirting my girl! Hahayaan ko nalang ba yun?” sagot niya sabay bawi sa kanyang scarf saka maton na umupo sa upuan ng kotse. Nasa driver’s seat ang lalaking nagdala sa kanya rito.

“Boyfriend ni Eve yung si Vernon Llanez yung sinasabi mong lumalandi dun sa Bel. Masakit mang tanggapin pero mahal ni Eve yung asshole na yun kahit niloloko lang siya. Then I heard you confronting him not to flirt with that Bel. At nakipag-break ka pa kay Vernon!” naiiriting pahayag ni Jeric.

“Mas mabuti na nga yung ginawa ko eh. Malalayo na ang kakambal ko sa gagong yun. Pati kay Bel malalayo na siya.” Sabi ni Evan habang inaayos ang sarili.

“Si Bel yung naka-tatoo dyan sa dibdib mo tama?” tanong ni Jeric.

Tama. Hindi talaga si Evan ang transgender na kasama nila ngayon. ito ay si Elan na nagpapanggap na kanyang kakambal.

Dalawang taon na ang nakakaraan, taong 2012 ng malagay sa panganib si Evan na transgender na noon. Natagpuan na lamang ang inakalang bangkay ni Evan sa isang talahiban sa kanilang bayan. Bugbog-sarado ito at halos hindi na makilala sa tinamong mga sugat at pasa sa buong katawan. Sa kabutihang palad ay buhay pa pala ito ngunit comatose. Hindi pinaalam ni Elan na nasa kanya ang kakambal kahit sa kanyang ina. Naging usap-usapan sa buong bayan na patay na ito ngunit walang naging kompirmasyon sa kahit sinong miyembro ng kanilang pamilya.

Matindi ang hinala ni Elan na si Senando ang may kagagawan ng sinapit ng kapatid. Nakonsensya siya na hindi niya ito nabantayan dahil umalis siya sa mansyon at namuhay ng mag-isa. Sinuway nalang sana niya noon ang utos ng ina na umalis at umiwas sa gulo. Hindi niya rin lubos maisip na sukdulan pala ang kasamaan ng amain. Nabuhay ang pagnanasa ni Elan na maipaghiganti ang kakambal. Sa tulong ng matalik nilang kaibigan na magkapatid na si Jeric ay nakabuo sila ng plano. Ito ang patunayan na si Senando ang may kagagawan ng sinapit ng kanyang kapatid at kung ano ang dahilan kung bakit iyon ginawa. Kailangan nilang makahanap ng ebidensya dahil kung sakaling hindi na magising pa si Evan ay ang mga ebidensyang makukuha nila ang maaari nilang gamitin upang idiin ang may sala.

Ang naisip nilang konkretong plano ay yung manggugulat kay Senando. Kung sakaling ito nga ang may kagagawan ng tangkang pagpatay kay Evan ay siguradong magugulat ito kapag nakitang buhay pa ang pinapatay. Kapag nagkaganon ay baka sa bibig na rin ni Senando lumabas ang dahilan kung bakit nito gustong mamatay si Evan. May posibilidad na muli nila iyong mapag-usapan. Sigurado sina Elan na hindi lang ordinaryong galit sa bading ang dahilan kung bakit gugustuhing ipapatay ni Senando ang kakambal niya. May mas malalim pa na dahilan.

HE'S A SHEMALE FOR REVENGE; SHE'S INTO HIM FOR LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon