Chapter Eleven

730 19 5
                                    

A/N    Thank you for supporting may first short story. Last update na po ang kasunod. Sana ma-share , vote at makasali pa rin kayo sa comment party kahit tapos na ito. Thank you very much! :)

CHAPTER ELEVEN

Kitang-kita ni Bel ang mga pangyayari.

Si Elan ang sumalo ng balang dapat ay sa kanya. Sabay din sa pagputok ng baril ay ang pagpasok ng mga media people na kanina pa pala kinukunan ang usapan nilang tatlo.

May mga pulis din na pumasok at dumiretso sa gulat at namumutlang gobernador. Hawak na ng mga pulis ang orihinal na kopya ng mga dokumento na magpapatunay sa mga katiwalian nito. Si Jeric ang nagtago ng mga iyon. Gumawa na muna sila ng halos katulad ng orihinal na mga dokumento baka umalis ng opisina ni Elyssa at iyon ang nakuha ng tauhan ng gobernador kay Elan. Dahil sa labis na pagkagulat at kusang sumama nalang ang halimaw na gobernador. Sa kauna-unahang pagkakataon ay pumatak ang luha sa mga mata nito. Ito na ang kanyang pagbagsak. Alam na rin ngayon ang ginawa niyang kasamaan kina Evan at kay Elyssa. Nasaksihan ng mundo ang kanyang kasamaan.

Ngunit may isa pang nasaksihan ang mundo. Iyon ang pag-ibig ni Elan kay Bel. Pag-ibig na kahit buhay ay handang ialay para sa taong pinaglalaanan nito.

Mabagal ang takbo ng mga pangyayari. Parang napakabigat ng paa ni Bel habang lumalakad at humahangos palapit kay Elan. Nakapaligid sa lalaki ang mga cameraman.

“Alis!” sigaw ni Bel.

Pagdating niya sa kinahandusayan nito  ay saglit siyang natigalgal habang pinagmamasdan ang dugong patuloy sa pagdaloy sa dibdib ng lalaking pinakamamahal.

“Elan!” hangos niya habang niyuyugyog ito. “Elan!” muli niyang pagtawag dito.

“Ambulansya! Tumawag kayo ng ambulansya!”

Nabalitaan nila Mudra Gracia ang nangyari kaya lumuwas na rin sila ng probinsya ni Petite upang kumustahin ang anak.

Pagkakita palang ni Bel kina Mudra Gracia ay kaagad na syang napayakap dito.

“Mudra sorry kung hindi ko sinabi ang totoo. Sorry po.” Paghingi niya ng tawad dito habang mahigpit niya itong niyayakap. Muli siyang nakahanap ng ina sa katauhan nito. Kailangang-kailangan pa naman din niya ito ngayon.

“Tama na. Hindi mo kailangang humingi ng tawad. Pamilya mo rin sila. Naiintindihan ko ang mga ginawa mo. Tama na anak.” Naiyak na rin ito. Nararamdaman ni Mudra Gracia ang sakit na nararamdaman ng anak.

Ang lalaking pinakamamahal nya ay kasalukuyang nag-aagaw buhay. Ang ama naman niya ay tinugis na ng mga pulis.

Napakaraming media sa ospital upang i-cover ang mangyayari kay Elan. Napakaingay ng mga ito dahilan para makuha ang atensyon ni Bel. Umalis siya sa pagkakayakap sa ina-inahan. Lumapit sya sa mga ito. Halos mag-unahan ang mga ito para makakuha ng pahayag niya.

“Mam totoo po bang anak kayo ni Governor Aldama?”

“Sino po ang ina nyo Mam?”

“Totoo po bang katulong ang ina niyo at pinagsamantalahan lang ni Gov?”

“Ano pong masasabi niyo sa pagbubuwis ng buhay ng boyfriend niyo para sa inyo Mam?”

Napakaraming katanungan ang sa kanya’y binato. Walang reaksyon ang kanyang mukha. Tanging luha lang ang naging sagot niya.

“Tama na po.” Nagsimulang magsalita si Bel. Natahimik ang lahat. Ang iba nama’y nangagbulungan.

“Alam ko namang malalaman nyo rin ang totoo eh. Kayo pa ba? Mahal ko po ang parehong taong tinatanong ninyo. Si Governor ay daddy ko. Kahit na gaano pa siya kasama hindi ko maaalis ang katotohanang iyon, na ama ko siya. Hindi ko rin maalis sa akin na mahalin siya dahil buong buhay ko ay pinangarap kong mahalin nya ako. Si Elan, ang pinakamatapang na taong nakilala ko. Siya ang lalaking pinakamamahal ko. Iyong pagmamahalan namin hinubog ng mahabang taong pagkakahiwalay. Ngayon pong sinusubok kami at maaaring mawala sa akin silang pareho pwede po bang bigyan niyo naman kami ng katahimikan. Parang awa niyo na po.”

HE'S A SHEMALE FOR REVENGE; SHE'S INTO HIM FOR LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon