Season 1 Chapter 10: When Darkness Stares At Me

28 15 8
                                    

Moerani's Point Of View

“YOU'RE not belong in here. You're just a foolish human being.” All I can remember is his husky deep voice.

Hindi ako nagkakamaling lumabas sa kwarto ko. Ni-lock ko ang lahat ng pinto sa buong bahay. Ayokong makapasok ulit ang lalaking iyon sa loob nito. He will really kill me.

Napatingin ako sa phone ko nang biglang mag-vibrate ito. I immediately answered it.

“Mom. I'm really scared.”

“Why? Anong nangyayari diyan?”

“Someone sneaked in our house. He's trying to kill me and Dobi. Mom, kailan kayo uuwi?”

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Mommy.

“Okay okay. Magpapadala ako ng pulis diyaan, Rani. Uuwi na rin ako. Promise, I will be quick. Lock all the doors.”

Kaagad kong niyakap ang sarili ko nang makaramdam na naman ako ng napakalamig na hangin na umiihip sa buong silid ko. Dobi is right beside me but I really feel unsafe here.

“Rani!” hindi ko na napigilang tumulo ang luha ko nang marinig ko ang boses ni Mommy.

Kaagad akong nagtatatakbo papunta sa baba. I'm really scared right now.






“NILIBOT na ho namin ang buong lugar. Wala naman pong kahina-hinala personalidad dito sa lugar ninyo.” ang sabi noong pulis. Halos tumingala na kami ni Mommy sa pakikipag-usap sa kaniya dahil sa tangkad niya.

“Sige po. Pasensiya nalang po sa pag-abala namin, Sir.” ang sabi ni Mommy habang ako naman ay nasa likuran lang niya. I don't think I can trust them, too.

Sa tingin ko, hindi sila masyadong naghanap. Nag-aalangan ba sila?

Nginitian kaming dalawa ni Mommy noong matangkad na pulis samantalang seryoso lamang iyong isang pulis na sa tingin ko ay bago palang.

Pinagmasdan kong humarurot ang kotse noong mga pulis. Ako lang ba talaga iyon o parang wala talagang kwenta ang mga pulis dito?

“Mom. Sigurado ka bang mga pulis talaga sila?” ang sabi ko kay Mommy nang isinarado niya ang pinto. Napangisi na lamang siya sa sinasabi ko, mukhang hindi rin siya naniniwala sa akin.

“I guess they're just rookies, Rani.” ang sabi niya at saka sumimangot. Inakbayan ako ni Mommy at saka hinalikan ang noo ko.

“Everything will be alright, Rani. Everything happens for a reason.” kumunot ang noo ko sa sinabi ni Mommy. Everything happens for a reason, huh?

“Mag-half day ka nalang, Rani. Alam kong hindi ka nakatulog. Magpahinga ka na muna.” ang sabi ni Mommy at saka hinalikan ulit ako sa noo. “I love you, Mom.” hindi man sumagot si Mommy ay alam kong mahal na mahal din niya ako. Alam ko iyon.

Kaagad akong dumiretso sa second floor pagkatapos na kumain ng almusal. I'm already late for school kaya hapon nalang din ako papasok.

Kumabog ulit nang mabilis ang dibdib ko nang makarinig ng tunog na nanggagaling sa bodega namin. Bahagya ko itong pinagmasdan at ang kadiliman nito ay nagpataas ng balahibo ko.

Partida, hindi pa ako pumapasok sa loob.

Mas lumakas ang tunog na iyon at hindi ko na napigilan ang sarili kong lapitan iyon. Natagpuan ko ang sarili kong kinakapa ang bawat bagay na mahahawakan ko sa dilim. Wala kasing ilaw dito dahil puro gamit lamang ang nandirito.

This is where Dobi goes. And this is where that footsteps is coming from. “I don't know why I'm here.” ang sabi ko.

Nanlaki ang mata ko nang makakapa ng flashlight sa dilim. Kaagad kong binuksan iyon at inilibot ang paningin ko. There was nothing in here. There are just things, old old things in here.

When Midnight Falls Where stories live. Discover now