Moerani's Point Of View
“WHAT IS the truth, Mom?” ang sabi ko habang diretso lamang ang tingin sa mga mata niya.
“You did have a purpose, Moerani. You should know the truth. Everything's more worse than I expected.” napabuntong-hininga siya at saka tinulungan akong makatayo. Wala na talaga akong maintindihan. Gulong gulo na ako.
“YOU WANT to know the whole truth about this, Moerani?” pabulong man ay sapat naman ito upang marinig ko ng maayos. Napahalukipkip ako sa may sofa namin. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay nilalamig pa rin ako kahit na hindi na basa ang mga damit ko. Everything. Everything is weird here.
Napatango na lamang ako at diretso ang tingin kay Mommy.
“This whole thing.” napabuntong-hininga siya at saka nagpatuloy.
“This whole thing is a curse, Moerani. Everything that you're experiencing. Everything.” hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Bakit hindi niya sinabi?
“Why didn't you tell me in the first place, Mom? E'di sana may nagawa naman akong paraan para hindi umabot sa ganito!” hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko. Hindi ko kayang magalit kay Mommy.
“To protect you, Moerani! The same curse happened to your Dad.” nanlaki ang mga mata ko. “I don't want you to suffer the same way just like your Dad. I don't want to lose you too, Moerani.” napaupo na si Mommy sa may sofa at saka unti-unting tumulo ang luha niya.
This is really hard for Mom. I don't want to see her crying like this in front of me. I'm so weak.
“He died in his sleep. The witches took his body, at wala akong nagawang kahit ano.” biglang naging malungkot ang boses ni Mommy.
Witches?
Witches?!
For real?!
“Witches, Mom?” napatingin siya sa akin dahil sigurado akong nararamdaman niyang hindi ako naniniwala sa kaniya.
“Witches are real, Moerani. They killed your father for the sake of your ancestors sins.” nanlaki ang mga mata ko.
For my ancestors sinned.
Ilang beses ko nang naririnig ang mga salitang iyon. Ilang beses na silang humihingi ng tulong sa akin.
“For my ancestors sinned.” napatingin sa akin si Mommy na mamula-mula na ang mga mata. “You already knew it, Moerani?” kaagad kong hinawakan ang pendant ng lumang necklace na nakita ko. It was them.
“'Yung bata, si Valeon.” ang sabi ko.
“What about Valeon? You knew him? You knew the secret about him?” napatingin ako kay Mommy dahil sa sunod sunod niyang pagtatanong sa akin.
“He is that child.” napahigpit ang hawak ko sa kwintas.
“Mom. Is there any way that I can stop this curse?” napatingin siya sa akin. Umiling iling siya at saka tumulo ulit ang luha sa kaniyang mga mata.
“None. You're destined to die, Moerani. They'll take your soul and your body away from me.” nothing can stop this?
Napatakip ako sa bibig ko sa nalaman. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nanghihina na ang buong katawan ko sa kaba. What did I do to deserve this fate?
“Kung wala akong magagawa, Mom. Kailangan ko nalang na malaman kung kailan.” napalunok ako, pinilit kong tatagan ang sarili ko. Ayoko nang magtiis pa sa pesteng sumpa na ito.
YOU ARE READING
When Midnight Falls
HororWhat if I told you that not everything you see is real? That's when Moerani found herself stucked between the darkness, facing her fears and the truth. Can she believe in something that's not real? Or will she continue to suffer because of it? WARNI...