Capitolo 8

104 5 1
                                    

-Reclaim-

Tito Jondi was sitting at the center of the rectangular table habang kami ni Ski ay magkaharap.

Great. Just great...


Mr. Skion Sanseverino the CEO of SV Travel and Tours.

Gosh. Nakalimutan ko. His mom owns a travel agency. Sa kaniya na pala 'yon ngayon... Iniba niya yata ang pangalan ng kompanya ng malditang nanay niya.

Big time niya na a. Balita ko, isa sa mga globally recognized travel agency ang SV T&T. Ang lago na ng kompanya nila.

Ngayon alam ko na kung bakit siya nandito.

Tito explained to me that Skion wants our resort to be affiliated with SV T&T. And he also said that Skion volunteered to help us with the renovations of our buildings. But why?

"Last year we had a very little income because of the earthquake that hit Siargao. Because of that we learned that our new buildings were not that very strong. Kaya hanggang ngayon ay hindi pa namin napapasukan ng mga turista iyong parteng iyon,"

"Maraming napinsala. Bagong bago pa 'yang mga building na iyan pero agad na nagiba ng isang lindol," tinuro ni Tito Jondi ang parte kung saan ipinatayo namin ang mga bagong gusali. That was intended for a new part of the resort sana, pero hindi natuloy. May napinsala man pero 'di hamak na maganda pa rin ang resort namin.

"We learned that the contractor that we hired pocketed the money for the buildings."

"I know some trusted contractors or if you want I can recommend you some construction firms."

Hindi ko na napakinggan lahat ng pinag-usapan nila habang kumakain.
Halos magkagutay-gutay na ang karne ng baka sa plato ko dahil sa kapangitan ng mood ko ngayon. Gino-good time yata ako nito e.

Bakit ba 'yan nandito? Alam niya bang nandito ako? Balak niya bang maghiganti sa 'kin?

Isipin mo nga ang lago na ng kompanya niya at pwede namang magpadala lang siya ng tao niya dito or one of his travel agent. Bakit siya pa mismong may ari?

Gano'n ba siya sa lahat ng resort at hotel na gusto niyang makasosyo sa kompanya niya? Ang dedicated naman niya. At isa pa, bakit ba siya nakikialam sa mga problema ng resort? E, labas na siya do'n. Kung ako siya, ay 'di ko aaksayahin ang panahon ko dito at maghahanap agad ng ibang mga resort.

Ano bang balak niya?

Parang wala namang lasa lahat ng kinakain ko. May gago kasi sa harap ko. Hinigop niya yata lahat ng good vibes sa katawan ko ayan tuloy nakasimangot lang ako doon na parang inaway ng kung sino.

Lagi siyang napapatingin sa gawi ko pero pandidilat lamang ang natatanggap niya mula sa 'kin. E, kung tusukin ko kaya ng tinidor 'yang mata mo.

Mabuti na lang at halos walang pakialam si Tito Jondi sa 'kin at 'di niya napapansin ang panglilisik ng aking mga mata tungo sa taong nasa harapan ko. Palagi naman siyang seryoso kaya 'di ko malaman kung galit din ba siya sa 'kin. Aba ewan ko! Maka alis nga rito.

"Excuse me po Tito. I'll just go to the washroom," paalam ko habang nagpupunas ng bibig.

"Go on, hija," tugon niya kaya tumayo na ako at umalis na roon. Pag hindi pa ako umalis ay baka nasipa ko na 'yong lalaking 'yon.

Pagkatapos ko sa banyo ay hindi agad ako bumalik, kundi nag-ikot ikot muna ako sa palapag na iyon. Kitang kita mula dito ang mga malalaki't maliliit na barko at bangkang pumapalaot sa dagat.

Drowning (Della Rovere Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon