Capitolo 6

131 4 0
                                    

-Partner-

Today is the big day kaya maaga akong nag-ayos at umalis sa bahay. Pagdating ko sa uni ay halos 'di na magka intindihan 'yong officers sa mga booths. Halatang kabado at 'di mapakali ang lahat. Habang hinihintay namin ang mga kasama namin ay binabalik-balik kong sinasabi ang lahat ng isinaulo ko nung linggo sa resort na pinagtatrabahuan ko. 'Di kalaunan ay dumating si Lei.


"Ano ka ba Adie, alam kong maganda ka na pero magpaganda ka naman," Inilabas ni Lei 'yong dala niyang mga makeup at curling iron.


"Ang girl scout mo naman, Lei."


Hindi naman kasi ako mahilig sa ganoon. She did my makeup just to emphasize some features on my face bago niya ako inayusan ng buhok. It was a fishtail halo style na nakalugay pa rin ang kinulot niyang buhok ko.


"Oh my! You look like a goddess. Baka matameme mga turista natin mamaya," she squealed.


I rolled my eyes at nagbihis na ng outfit para sa araw na iyon sa pinaka malapit na banyo. Pagdating namin sa booth ay nagsasalita na si Miss. press para sa mga paalala at mga gagawin.


"Saan na 'yong mga tour guides?"



Lumapit kami ni Lei doon pati na rin 'yong iba pang tour guides.


"O bakit kayo lang?"


Tatlo lang kaming lumapit. Ako, si Lei at si Peter. Wala pa si Skion? E, sa pagkaka alam ko early bird 'yon. Pero ang mas ikinatatakot ko ay si Mark. Pag hindi 'yon dumating ay bubugbugin ko 'yon.


"I'm sorry, I'm late."


Napalingon kami sa kararating lang na si Skion. Mukhang ang layo pa ng tinakbo dahil hinahabol niya pa ang hininga niya. Pero kahit mukha siyang haggard ang gwapo pa rin.


"Magsisimula na. Nasaan na si Mark at Mei?" Ms. press frustratedly said.



Naghihintay yata kami sa wala. Hindi ko nga rin alam kung naisaulo ba nung Mark na 'yon 'yong lines niya. Mabuti na lang at saulo ko lahat kung hindi man siya dumating.


"Excuse me, Ms. press nagtext si Mei sa 'kin. May emergency daw baka mamaya pa 'yon." Sabi ng isang babae. Ka batch yata ni Mei.




"Hay nako! Paano na 'yan five minutes na lang at magsisimula na?" napahilot si Ms. press sa kaniyang sentido.


"Can I be partnered to Eloise Adelaide?" biglang tanong ni Skion. Napalingon ako sa kaniya at 'di ko mapigilang tumaas ang isa kong kilay. Apelyido ko na lang yata kulang.


Nakapawemang si Ms. press. "Ha? E, magkaiba kayo ng mga lugar hindi ba?"


"That will be alright. Isa pa maliit lang naman 'yong naka assign samin ng partner ko kumpara sa kanila El."


"I can help her," Ski continued.


Drowning (Della Rovere Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon