Capitolo 3

162 4 0
                                    

-Take Care-

Pumwesto kami ni Lei sa gilid ng hall 'di kalayuan sa stage. Nagsiupuan na at natigil ang chismisan ng lahat ng dumating ang aming president.


Maya maya ay nagsimula ang meeting. Ipinatawag ng president ng aming department ang mga officers at nagsimula ng mag-annouce ang PIO ng agenda ng aming pagpupulong ngayon.



"Bawat department ay mayroong kaniya-kaniyang booth na ihahanda sa covered court sa foundation day. Sa mismong booth nating department of tourism ay napag-isipan naming mga opisyales na gawin itong kakaiba this year kasi napansin namin na hindi masyadong pinupuntahan ang ating booth kaya maliit lamang ang kita noong mga nakaraang taon.


"Pipili tayo ngayon ng anim na modelo na silang tatayo bilang tourists guide ng ating booth. Bale tatlong pares ang mabubuo at salitan nilang ililibot ang mga bisita upang makapagpahinga na rin ang ibang pares. Mayroon ding maaassign bilang flight attendant, waiter, taga tinda at iba pa. Hahatin ang first to fourth year."


"May i-aassign sa bawat year at dahil binigyan tayo ng isang linggo lamang sisimulan ninyo agad ang trabaho ninyo bukas. Aasahan namin ang inyong kooperasyon." nang matapos ang PIO ay pumalit ang president."



"Ngayon ay bawat year ay pipili ng inyong modelo at ang natitirang dalawang puwesto ay kaming mga officers naman ang pipili," sabi niya at nagsimula na kaming pumili sa aming batch."


"Nais ko lang ipa alala na ang bobotohin ninyong mga tao ay dapat may taglay na kakayahan at may kumpiyansa sa sarili, 'yong hindi tayo mapapahiya," dagdag pa niya.


Nagsimula nang magbulungan ang karamihan at ang iba naman ay nag-iisip.


"Sa puntong ito maaari ko bang malaman kung sino sa tingin ninyo ang karapatdapat na magiging anim na mga modelo ng ating booth?" tanong ni Ms. president. Tinipa ng sekretarya sa kanyang laptop ang napili namin at nagflash ito sa white screen ng hall. Isa sa bawat year ang naroon kaya mayroon nang nailuklok na apat at ang dalawang naiwang puwesto ay ibinase sa boto ng mga opisyales.

Tour Guide Models:
1. Peter Roxas
2. Mark Perez
3. Skion Sanseverino
4. Adelaide Contreras
5. Maurelle Santos
6. Leilani Sanchez



Ako ang napili sa fourth year dahil 'maganda' daw, nahasa na raw ako sa pagsasalita sa maraming tao at iyong din naman ang part time job ko. Napili rin si Lei ng mga officers dahil isa rin ito sa mga malalakas ang loob sa year namin. Hindi naman iyan ipinagtataka, haliparot nga 'yan e, kung sino-sino lang kinakausap. Mabuti na lang at may ka close ako at siguradong 'di ako mababagot.


Pinagpilian na rin ang iba pang mahahalagang role sa booth namin, hinati ang bawat year sa kani kanilang naka assign na trabaho. 



Nag-amabag din ang lahat para sa gagastahin dahil siguradong malaki laki ang perang gagamitin. May iba ring nagpresintang dadala ng mga gamit upang makatipid. Gusto ko nga sana e, kaso ano namang dadalhin ko e, wala naman kaming magandang gamit sa bahay, kaya sa pagiging magandang model na lang ako babawi.


Dinidiscuss ang naka assign sa aming mga fourth year, naka assign kami sa pagpipinta. Isa ito sa napaka importante at trabahosong gagawin. Pinagtulungan naming i-conceptualize ang design ng aming ipipinta sa bawat plywood na siyang magiging dingding ng aming booth. Ipipinta namin ang mga magagandang tanawin dito sa Cebu dahil sabi ng presidente ay ililibot daw ang mga bisita sa Cebu bilang pagtatangkilik ng sariling atin.

Drowning (Della Rovere Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon