Capitolo 16

77 4 1
                                    

-His touch-

Bumyahe ako kasama si Jiro papuntang Pilar ng madaling araw. Nagpahatid kami kay tay Isko gamit ang isa sa mga SUV ng resort at umaga na nang makarating sa bahay sa Pilar.


Nagalit pa si Jethro sa 'kin kasi delikado ang daan paggabi at bakit hindi ko na lamang raw hinintay ang umaga.

I miss them, bawal ba. Isa pa may iniiwasan ako.

"I'm sorry alright. Hindi na mauulit promise."


"Hindi na talaga."


Humingi na rin ako ng tawad kay Tito Jondi sa pag-iwan ko ng resort. I just really need to get away from a person that's constantly reminding me of the past. I need to breathe dahil paglagi ko siyang nakikita, para akong paulit-ulit na nalulunod.

"Kamusta naman si Mr. Sanseverino? Naasikaso mo ba siya ng maayos?" tanong ni Tito na dahilan upang mabilaukan ako sa kinakaing almusal.

Jethro patted my back. "Hey, easy."

"Uh-e, okay naman po siya Tito. Lagi rin siyang nag-iikot sa resort, minsan ay pinasasamahan ko kay Andeng kung nais niyang pumunta sa ibang lugar."

"Hindi mo ba siya sinasamahan?" tanong niya.

Napatigil ako sa pagsubo,"Minsan lang po dahil na rin sa dami ng inaasikaso ko sa opisina."


"Dad, hindi naman siguro magandang samahan lagi ni Adie 'yang bago niyong kasosyo, kakakilala pa lang niya iyan. Paano kung may gawin siyang masama sa kaniya? Hindi mo pa nga 'yan lubusang kilala," reklamo ni Jethro.

"Mio Dio, so protective, Jethro. Oo na, kay Andeng ko na lang siya ibibilin para matahimik ka."


Tila nabunutan ako ng tinik sa sinabi ni tiyo. Laking pasalamat ko sa pagtutol ni Jethro na makasama ko ang lalaking iyon.

Pero ang hindi niya alam ay matagal na kaming magkakilala ni Ski bago ko paman makilala siya. Nagpatuloy kami sa aming agahan at nagpresinta na akong maghugas ng plato pagkatapos.


"Where's Tita Mandy?" hanap ko sa kaniyang inang hindi pa nakikita.

"Maagang umalis para askikasuhin ang kaniyang flower shop," aniya.


"I'll be back. Gigisingin ko lang si Jiro," paalam niya.

Nagpatuloy lang ako sa panghuhugas ng pinggan habang tinatanaw ang mga makukulay na bulaklak at mga cactus sa labas ng bintana.

Dito mismo kinukuha ni tita Mandy ang kaniyang paninda sa kaniyang flower shop.


Hindi lamang diyan mas lalong nakilala ang pamilyang Della Rovere, marami pa silang mga lupain dito sa Siargao na halos ay hindi ko na mabilang. Bukod sa resort sa General Luna at bulaklak na pananim at isa ring resort dito sa Pilar ay mayroon din silang coconut plantation sa San Isidro, pamilihan ng isda sa Del Carmen dahil malapit sa port, isa pang resort sa Dapa maging sa Surigao.

Pero sa lahat ng naipatayong resort sa Siargao ay ang sa General Luna ang pinaka tanyag dahil mas malawak ito at mas napaganda ang ayos lalo na sa mga gusali nito.


Si Tita Mandy ay nakapagpatayo ng flower shop sa Pilar dahil nandoon ang plantasyon at ang negosyo naman ni Jethro ay ipinatayo niya sa Del Carmen na hanggang ngayon ay hindi ko pa napuntahan. Hindi ko nga alam na naipatayo na pala, hindi ko pa nga alam kung anong pinasok niyang negosyo pero sa nakikita ko ay successful iyon. si Jethro pa ba.

Drowning (Della Rovere Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon