Capitolo 18

72 4 0
                                    

-Family-

Umuwi ako sa bahay para kumuha uli ng gamit pagkatapos ng ilang araw na sleepover ko sa unit ni Ski. 


At minalas naman ako kasi nandito pala ang ma bisyo kong madrasta. Kaya napilitan uli akong magimpake ng gamit at makitulog kay Lei. Mabuti na lang at nakauwi na siya kahapon dahil hindi ko alam kung saan ako pupulutin ngayon, magpapasko pa naman sa susunod na linggo.




"O, may balak ka pa palang umuwi?! Saan ka nanaman galing ha?" tanong na halos sigaw ni Delilah. May pakialam pa pala siya sa 'kin? Lasing nanaman yata... kailan ba naging hindi? Napairap na lang ako at tumungo sa kuwarto.


"Wala na akong pagkain! Gusto mo yatang mamatay na ako sa gutom dito!"


"I gave you a lot pero ginastos mo lang sa alak at sigarilyo mo, hindi ko na 'yan kasalanan," sabi ko bago sinira ang pinto at ni-lock. Hindi naman ako pusong bato para pabayaan siya. I always cook for her everyday and I gave her money if ever I won't come home. Sadyang mas inuna niya lang ang bisyo niya kesa sa gutom niya, nakakabaliw 'yan. Nakababaliw nga talaga ang pag-ibig.


Nagbihis ako at nag-impake uli. Matapos kong ilagay ang mga gamit ko sa bag ay lumabas ako ng kuwarto at nadatnan siyang naninigarilyo sa sala. Kailan ba siya titgil, pag sunog na ang baga niya?


Pinagluto ko siya ng ulam at kanin, naglinis na rin ako ng bahay na puno ng botelya at upos ng sigarilyo. 


 I've been doing this since I was a child, kahit pa noong wala pa si Delilah dito sa bahay. Ganito rin ang lagi kong nadadatnan galing sa eskwela kung hindi ay nadadatnan kong nakahandusay ang tatay ko sa sahig dahil sa labis na pagkalasing. Akala ko matatapos na 'to nung umalis siya pero nahawa si Delilah at gusto yatang patayin ang sarili sa mga pinagagawa.


"Kumain ka na." Tinuro ko ang lamesa saka bumalik sa kuwarto at kinuha ang bag. Maaga pa naman para sa huling tatlong araw na shift ko sa Dreambean pero dahil nandito si Delilah, kailangan ko nang umalis.


Dala ang pack bag ko ay tinahak ko na ang madilim na kalye at pinara ang tricycle na nakita.


"Manong, sa Dreambean po."


Pagdating ko ay naroon na rin si Lei. Himala at napaaga ang bruha.


"O, ang aga mo yata?"


"Don't even ask." Nako mukhang badtrip.


"Anyare sa 'yo, Lei?"


"Inindian lang naman ako ng ka date ko. Ang kapal ng mukha!" pagmamaktol niya.


"Ok lang 'yan, Lei, mas mabuti pa... itrabaho mo na lang 'yan. Tara na."


"Akala ko mag-aadvice ka na sa 'kin, langya, kaibigan ba talaga kita, Adie?"


Napatawa niya ako dahil do'n. I badly need that, kahit papaano ay medyo nawala ang stress na naiduot ni Delilah kanina.


Balak sana akong sunduin ni Ski pagkatapos ng shift ko pero nasa opisina pa siya at may importanteng inaasikaso sa kompanya at ayos naman kasi may dala namang sasakyan si Lei at doon din naman ako magpapalipas ng gabi sa dorm niya.


Hindi ko naman masisisi si Ski kung minsan siyang hindi nakakapunta sa akin kasi alam kong mahirap na pagsabayin ang pag-aaral at ang trbaho, lalo na at siya ang susunod sa puwesto ng kompanya ng pamilya nila. Mahirap din pala maging mayaman.

"Lei..."


"Alam ko na 'yan Ads, makikitulog ka?" hula niya.


"Oo sana." Nakakahiya man pero siya lang ang maari kong lapitan.


Drowning (Della Rovere Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon