Chapter 4- I know

55 4 5
                                    

Isang sinag ng Araw ang nakakasilaw ang nagpagising sa kanya. Wala na siyang katabi mag isa nalang siya sa kubo.

Naiiyak siyang naupo sa gilid ng bumangon na siya at tinaas ang mga tuhod na yakapin ang sariling mga tuhod. Hinanap ng mga mata niya si Third. Tanging naiwan sa kanya ang jocket nito. Tulala siyang napa upo at Hinintay ang pagbalik ni Third baka may pinuntahan lang ito. Pero  makalipas ang isang oras na hindi ito bumalik. Nagpasya siyang lisanin ang lugar. Makalipas ang isang oras may dumating na mga army sumundo sa kanya. Makalipas ng isang oras ay may chopper na dumating at sinundo siya upang maihatid sa Manila. Hindi niya alam kung na saan ang lalaki. Iniwan siya nito na walang iniwang mensahi sa kanya. Pero sana okay lang siya at sana nasa mabuting  kalagayan siya kung saan man siya.

MANSION:

"Apo Catherine.. thank God your alive!" Pag alalang bungad sa kanya ni Henry ng makita siyang dumating at ang higpit nitong yakap sa kanya sa sobrang pag aalala. Nakita rin niyang buhay at ligtas ang mga pinsan niya. Wala siyang nakitang ni gasgas sa mga katawan nito at nakita niya rin ang pagtaas ng kilay ni Nathalie ng makita siya.

"Lolo.." namaos ang boses niya. Bigla nalang tumulo ang kanyang mga luha.

"Catherine,  salamat buhay ka.. akala ko kasama ka sa mga nasunog," Si Cloui, nakita niya ang pag aalala sa mukha nito ng salubongin siya ng yakap.

"Masaya akong makitang buhay kayo," sabi niya, natutuwang makitang buhay sila.

"Me too.. masaya kaming buhay ka at nakaligtas sa pagsabog ng Bar na iyon," si Nathalie nakita niya ang galit sa mga mata nito.

"Apo Catherine okay ka lang ba? Wala ba masakit sayo tawagin ko ang doktor natin para matingnan ka," Kita ang sobrang pag alala sa kanya ni Lolo.

"Lolo.. okay lang.. walang masamang nangyari sa akin may nagligtas sa akin," Sabi niya, ng makita niya ang pag ismid ni Nathalie.

"That's good.. walang masamng nangyari sayo! Inaalam ko na ang sanhi ng pagsabog sa lugar na iyon isang gas leak ang dahilan nagmula sa kitchen. Dahil sa Nangyari gusto kong mag iingat kayo lagi." Paalala nito sa kanila.

"Catherine.. pahinga ka muna apo," Sabi niya ng alalayan siya pumunta sa kanyang silid. Wala siya kumibo na. Dahil sa sama ng loob na hindi man lang siya ginising ni Third kung aalis na ito.

"Thank you Lolo, paano ninyo akong nahanap? Tanong niya. Pero nangunot ang noo nito. "Nahanap? Apo ano ang ibig mong sabihin?" Tanong sa kanya ni Lolo.  " hindi ho ba sa inyo ang chopper?" Sagot niya rito.

"Chopper?" Ulit nito sa sinasabi niya.

Na realise niyang walang alam si Lolo. Kaya naman iniba na niya ang usapan. Naisip niyang si Third ang nagpadala sa chopper para maihatid siya sa Manila.

"Nevermind. Sorry Lolo, masado akong lutang," sabi niya lang.

Sighed, "Sigurado ka ba baka mamaya may gumugulo diyan sa isipan mo?" Tanong nito sa kanya.

"O-opo Lolo, Pwide na po ninyo ako iwan dito.. kaya ko na po Lolo.. kayo rin huwag magpaka stress ,ha?" sabi niyang nag alala rin sa kanyang kalusugan may edad na si Lolo madalas na itong sumpungin ng sakit niya.

"Sige.. maiwan na kita dito," Nakangiting sabi nito ng iwan siya nito.

Pumasok na siya sa silid at Sinara niya pagkatapos binagsak ang sariling katawan sa ibabaw ng malambot niyang higaan. Pero hindi pa siya tuluyang makatulog ng may kumatok sa pinto niya. Bumangon siya at tinungo ang pinto. Kaagad nyang binuksan. Napataas ang kanyang kilay ng si Nathalie ang kumatok sa silid niya.

"What do you need, Nathalie?" Malamig niyang tanong dito.

"Nothing.. Catherine, gusto ko lang i'check ka, kung okay ka lang ba? hindi ka ba na phobia sa nangyari sayo last night?" Kunwaring Consern ito sa kanya. Kahit halatang napipilitan lang ito gawin.

 Heiress Series 2: CatherineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon