++++
Nagising sa sikat ng araw si Catherine. Masarap ang tulog niya. Pumipikit-pikit pa ang kaniya mga mata sa antok. Ngunit muli siyang nahiga at niyakap ang unan sa tabi at matulog sana ulit habang antok pa rin. Pero nang mapansin niyang wala siya sa kaniya silid. Bumalikwas siya ng bumangon at nilingap ang buong silid. Ano ba naman to! Hindi ito ang kwarto ko...
Napansin niyang may katabi siyang ibang tao. Ginising niya ito. Pero napatalon siya sa gulat at napaatras sa takot. Dahil patay na ito. Nanginginig ang mga kamay niya nang tumingin sa lalaking duguan at dahil na rin sa dugong dumidikit sa kamay niya.
Agad niya itong pinunas sa damit niya. Hindi niya alam ang gagawin. Nanginginig ang buong kalamnan niya sa takot at nanginginig ang mga tuhod sa paglabas niya.
Sa bilis ng mga pangyayari. Inaresto siya ng mga pulis. Lahat ng kahihiyan ay nasalo niya. Blangko ang isipan niya. Hindi niya maalala ang nangyari.
"Anong nangyayari sa kaniya bakit niyo siya ikinulong?" tanong ni Nathaniel. Agad niyang pinuntahan si Catherine. Matapos niyang mabalitaan ang nangyari sa dalaga sa Balita.
"Ganyan iyan kahapon. Hindi makapagsalita at wala sa sarili!" Sagot sa kaniya ng pulis.
"Anong nangyari?" Tanong niya. Nakatutok ang mga mata nito sa tahimik na pinsan at blangko ang isipan nito.
"Catherine... this is Nathan. Narinig mo ba ako?" Sabi niya sa dalaga.
Napatingin ito sa mukha niya. Nakita niyang gumilid ang mga luha sa mga mata ni Catherine."N-Nathan... Nathan..." Tawag ni Catherine kay Nathaniel. Nanginginig ang mga kamay nito. Nang makita niya. Ramdam niya ang takot sa mukha ni Catherine. Mukha lang itong matapang, pero mahina sa maikling panahon nakilala niya si Catherine nakilala niya na ito. Silang dalawa lang ang magdadamayan at magtutulungan.
"Anong nangyari?" tanong ni Nathan sa kaniya.
"Hindi ko alam? Nagising ako.. I was already in the room and d-dead... he was," pagpapanic niyang sabi. Takot ang boses.
"Nathan. Hindi ko siya pinatay," naluluhang sabi nito sa kaniya.
"I know... but they got some crime scenes mga katibayan that will push you under pressure," Sagot niya sa babae.
Nanginginig ito sa possible mangyari. Ngunit hindi siya sigurado kung hindi nito pinatay si Steven.
"Kumuha na ako ng abogado." Sana lang makatulong sila sa problema mo. Sabi pa ni Nathan. Natatakot ito na gumugol ng mas maraming oras sa bilangguan, na masentensiyahan siya magpakailanman.
"Gawin mo lahat ng mapaalis mo ako dito, ayokong mabulok dito, wala akong kasalanan!" Nakakadismaya niyang sabi.
"I know. Don't worry," sabi ni Nathan.
Tumango lang ito. May tiwala siya kay Nathan."Dinalhan kita ng lotion para hindi ka kainin ng lamok diyan. Besides, yun ang kailangan mo." Sabi ni Nathan. Inabot nito sa kaniya ang paper bag. Kinuha niya naman ito.
"Salamat," Catherine said. Pagpapasalamat sa kaniya ng dalaga may kabigatan sa loob. Sa buong buhay niya, hindi sumagi sa isipan ni Catherine sa kulungan siya matutulog. I can't believe this! ganito pala ang pakiramdam ang bigat sa kalooban na wala kang magawa ang tanggapin na lang, makulong kasama ng iba. Hindi mo alam kung ligtas silang kasama.
"Dito ka muna matulog ilalabas kita bukas. Tsaka tumawag si lolo at sinabing hindi kita pababayaan habang nagpapagaling siya sa Amerika," He told me. Tama si Nathan, nasa abroad si lolo at nagpapagamot ngayon. Alam niyang nag-aalala ito sa kaniya.
"Salamat ulit. Sabihin mo kay Lolo na huwag niya akong alalahanin, ayos lang ako." Tumango lang ito. Makalipas ang ilang minuto ay dumating ang mga magulang ni Steven at galit na galit na sinugod ang babae.
"Pinatay mo ang anak ko!" naiinis na sigaw ni Hellen sa dalaga.
"Teta. I can't do that," She defended herself even with self-doubt.
"Sinungaling ka Catherine! Mahal na mahal ka ng anak ko! Pero pinatay mo siya! Ano bang kasalanan niya sayo ha? Bakit mo siya pinatay, mamatay tao ka!?"
Sinuntok siya ni Hellen at sinampal ng ilang beses. Umiyak lang si Catherine. Hindi niya alam kung paano niya ipagtatanggol ang sarili. Kahit siya ay naniniwalang ginawa niya iyon. Kahit anong piga niya sa kaniyang utak, wala siyang matandaan kahit ano. Umiiyak siya para sa ina ni Steven. Hinayaan niya ito, kung ano ang gusto nitong gawin sa kanya. Kung ito lang ang magpapagaan ng kalooban nito.
"Mabubulok ka sa kulungan! I swear!" galit nitong sabi.
Agad namang natakot si Catherine sa sinabi ni Hellen. Nanghina siya. Pagkatapos ito hilahin palayo sa kaniya ng mga pulis.
"Isa kang kriminal! pinatay mo si Steven! mabubulok ka sa kulungan habang nabubuhay ako hindi kita mapapatawad! I hate you!" Sigaw niya at hinila ulit siya.
Nakiusap ang pulis kay Hellen na tumigil na sa pananakit sa kaniya.Napaiyak si Catherine. Dahil nakikita niyang galit sa mga mata ni Hellen. Pakiramdam niya ay guilty siya.
Natatakot siyang magkatotoo ang banta nito sa kaniya na mabubulok siya sa kulungan. Kahit anong gawin niya ay hindi niya pa rin maalala ang lahat wala siyang maaalala sa gabing iyon. Kahit anong gawin niya walang pumapasok sa isip niya."Catherine Ashton, masentensiyahan ka ng limang taon sa bilangguan at anim na buwan sa kaso ng pagpatay sa isang negosyanteng si Steven Fletcher."
"Hindi, hindi ito totoo! Hindi ko siya pinatay.. Nathan, akala ko tutulungan mo akong makaalis dito! Anong nangyayari bakit nila ako hinusgahan ha?" Sigaw niya pero walang nakarinig sa kaniya.
"Nathan, bakit hindi ka sumagot ha? Saan ka pupunta? Huwag mo akong iwan, Nathan?" Umiiyak na sabi niya, pero hindi siya pinakinggan ng pinsan niya. Bakit hindi sila naniniwala? bakit hindi nila naririnig ang sinasabi niya?
"Mabubulok ka sa kulungan! Kriminal!" Sigaw ng lahat sa kaniya.
"Wala akong kasalanan!" Frustrated na sabi niya. Kahit anong sigaw niya walang nakikinig sa kaniya. Naniniwala silang lahat na siya ay isang kriminal.
Warning ⚠️ huwag basahin kung hindi maintindihan!
BINABASA MO ANG
Heiress Series 2: Catherine
Romance"When someone accuses of doing something you're not doing. it's usually Because they're the ones doing it." STARTEd: August 24,2020 FINISH: octuber 13,2020