Chapter 8

29 3 0
                                    

Sinugod sa hospital si Señor Henry, matapos makaramdam ng paninikip sa kanyang dibdib. Lahat sila ay napasugod sa hospital ng malaman ang nangyari sa Señor. Na unang dumating si Catherine sa hospital walang pang isang minutong nakalipas sumunod naman dumating sila Nathalie kasama ang Ama nitong sinator. Lahat sila nag alala sa Señor. Makalipas ang isang oras dumating si Cloui. Tulad sa mga nauna nag alala rin ito.

"Anong nangyari kay Lolo?" Bungad kaagad sa kanila ni Cloui ng dumating sa hospital.

"Bigla raw nanikip ang dibdib ni Lolo kaya sinugod siya ng kanyang secretary dito sa hospital," Sagot ni Catherine. Na maos ang kanyang boses.

"Matanda na si Daddy kaya nagkaroon siya ng gano'ng pananakit," Si Hurry. Kalmado lang ito habang naghihintay sa paglabas ng doctor.

"You mean Dad.." binibitin nito ang gustong sabihin ni Nathalie sa Lolo niya.

"Yes," agad nitong sagot ng mabasa nito ang iniisip ni Nathalie.

Lumabas ang doctor na sumuri sa kanilang Lolo. Ibang doctor ang tumingin dito dahil nasa ibang bansa ang Family doctor nila.

"Kayo ba ang mga kamag anak ng pasinte?" Tanong nito sa amin pagkalabas ng pinto. Matapos hubarin ang suot nitong face mask at gloves sa kanyang kamay.

"How's Lolo..?" Naunang nakalapit si Catherine sa doctor na kinakabahan sa pweding sabihin nito tungkol sa matanda.

Humugot ito ng malalim na hininga bago nagsalita.

"Hindi maganda ang lagay ng pasinte. Heart attack ang sanhi ng paninikip ng dibdib niya. Dahil natagalan bago siya nadala dito sa hospital. I'm sorry to say this he's comatose.. and I don't know when he'll wake up?" matapos sabihin ng doctor ang kalusugan ni Señor Henry. Walang ni isa sa kanila nagsasalita.

Lahat sila na bato sa kinatatayuan. Kahit ako ay hindi mapigil ang pagtulo ng aking luha sa nalalaman. Pakiramdam ko mawawalan na ako ng kakampi at sa pangalawang pagkakataon mawalan siya ng magulang.

Ito na ang tumatayo sa kanila ni Cloui na pangalawang magulang. Kahit minsan hindi ako nagtatanim ng sama ng loob kay Lolo, dahil mahal niya ito kahit alam kong nakakasakal si Lolo dahil sa subrang higpit niya sa lahat ng bagay pero pikit mata ko iyon tinanggap dahil para rin naman sa kanya.

Pero ni minsan hindi ko iniisip na masama siyang Lolo. dahil para sa kanya mabuting Lolo at ama siya sa lahat. Kahit sabihin pa ng ibang taong isa siyang masama at walang pusong Matanda, pero naitindihan ko ito. Kung bakit nito ginagawa. Dahil pinuprotiktahan lang sila nito sa mga taong gustong samantalahin ang kahinaan nila.

Patas ito kong magbigay ng parusa sa kanila kahit malalaki na sila nakakatanggap pa rin sila ng funishment sa tuwing may mali silang ginawa, pero hindi na tulad nung mga bata pa sila na hindi sila pakainin ng dalawang araw kapag nakagawa sila ng mali. Pagdating sa pagtuturo sa business strict ito.

Gusto niya lahat perfect at walang mali. Lalo na sa pakipag usap sa mga investor. Marami akong natutunan dito paglipas ng panahon. Hindi ko akalaing mauwi sa ganito ang kalagayan ng kanyang ni Lolo, ang bilis ng pangyayari.

Kahapon lang ang lakas lakas pa nito at nakipagbero pa sa akin at nakitawa na rin sa mga jokes niya. Pero hindi ko inisip na iyon na pala ang huling makausap niya ito. Ngayon walang kasiguruan kung kailan ito magigising.

"Lolo.. lumaban ka ha.. huwag kang sumuko dito lang po kami.. Lolo naghihintay sa iyong pagising," Naluluha kong sabi. Nailipat sa private room ang Lolo matapos sa ICU maraming mga tubo ang nakasuporta dito. Nakakaawang pagmasdan ang kalagayan ng matanda. Habang nakaratay sa higaan.

"Lolo.. dito lang kami.. lumaban ka po ha?" Si Cloui. Emotional rin ito.

"Be brave lolo.." si Nathalie. Nalulungkot rin ito sa kalagayan ng kanilang lolo.

 Heiress Series 2: CatherineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon