' 'Mga Akala' '

138 22 21
                                    

PANIMULA


Akala

Nakaharap ako ngayon sa malaking salamin, tinitignan kung gaano ako kaganda. Char!

Naka pony tail lang ang bohok ko, may kulay silver na hikaw, isama mo narin ang perpektong kapal ng kilay ko, hazel eyes, pointed nose, at kissable lips. Oh diba! Ganda ko no!? Hahaha... Joke.

Naka suot din ako nang black dress na may kumikinang-kinang, hanggang tuhod yong haba. Kaya klaro din ang kutis ko.

Hindi din kase ako mahilig mag'make up, kung meron man slight lang yon.

Well, 3rd monthsary kase namin ni Joshua ngayon, hihi. And ang sabi nya daw may ibibigay daw sya sakeng importante. Yie... hindi na ako makapag hintay! Ano kaya yon. At tsaka mag-uusap daw kami. Baka ipakilala na niya ako sa magulang niya!

Nakaramdam ako ng kung ano sa tiyan ko. Excited lang? Hahaha

Inabot ko yong cellphone ko 'tsaka kumuha ng selfie. I'm-myday ko lang. D ako mahilig mag post. Hehe...

4:23 pm na, pero mamayang 5:00 pm pa ako susunduin ni Joshua. Can't wait!

Nag facebook muna ako. Biglang lumabas yong chat head ng Gc namin. Title 'PATAY GUTOM' halos araw-araw kase kaming nag-d'date mag'kakaibigan kumakain, dati nong may pasok pa. Summer ngayon ih.

Broken Heartue : kamusta na ang date? My GHHAADD kinikilig na ako.

Yan si Trixie P. Montejad A.K.A. Broken Heartue. True Friend ko since grade-9. Madaldal, Maganda, at tsaka madaming ka'chat. Hindi naman talaga yan sya Broken feeling Broken kamo.

Omaewa Shindero : manahimik ka nga! Ingay-ingay mo! Palibhasa single! :p

Broken Heartue : nag-salita! Kala mo naman taken!

Omaewa Shindero : madami akong waifu! Wag ka jan!

Nani!? : Hahahaha... Loli is Life!!.

Yan si Anthony O. Mercedes, A.K.A. Omaewa Shiendero, malamang adik yan sa anime isa pa 'yan si Kent Felix R. Abdue A.K.A. Nani!? Yang dalawang 'yan ang magka-sundo manood ng anime. At tsaka palagi nilang sina suggest yong Hentai bayon? Ewan basta! Tuwing sina suggest nila ang Hentai. Palagi nilang sinasabing. "Nakakaiyak yong story" "Hayst grabe ang ganda!" Tapos biglang tatawa, mukhang timang lang. Kaya hindi mapag-katiwalaan.

May_lovelife♡: Manahimik nga kayo! Chat y'all later. Hahaha...!

Seen.

Meron pa pala kaming isang member, si Vine May B. Omalid. Isang babaeng Maganda, matalino, sa aming squad siya lang yata ang pasok sa top 10 nong Grade 12. At hindi yon mahilig mag online. Isa din sya sa True friend ko since Grade 7.

"Marry Faye. Nandiyan na sundo mo" sigaw ni Mama.

"Yes Ma" agad kinuha ko yong sling bag kong maliit. At nagmamadaling lumabas sa aking kuwarto.

"Oh! Diba Birthday lang pupuntahan mo bat ang ayos mo naman?" Napataas ng kilay si Mama.

"Malamang Ma, Formal Birthday Party yon, Gusto mo ba akong mag t-shirt nalang?" Sagot ko. Hayst ang hirap ng tagong relationship! Sabi ni Mama bawal daw muna akong mag boyfriend hehe. Wala eh, na fall.

"O sya- hanggang 8:00 pm kalang. Mag text ka kung uuwi kana."

"Opo Ma. Love you!" Sabay nag-mamadaling lumabas.

'Mga Akala'Where stories live. Discover now