Unang Pahina.

72 23 1
                                    

Mahal parin kita

Mahigit isang linggo na ang nakalipas pero parang kahapon lang nangyari ang lahat lahat.

Hindi ko maiwasang umiyak dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Like, hindi ko parin lubos maintidahan kung bakit niya ako iniwanan.

Hindi muna ako pumasok ng dalawang araw kase t'yak na magkikita kami ni Joshua. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya, o paano ko sya haharapin. Silly, pero ako yata yong may nagawang kasalanan.

Naka-harap ako sa malaking salamin, tinitignan ang bawat features ng mukha ko. Pangit ba talaga ako? Tingin ko naman hindi. Pero bat ba ako nagawang iwan ni Joshua. Nakakasawa ba ang pagmamahal ko?

Nag suot ako ng glass to cover my swollen eyes. Kailangan ko na kaseng pumasok, hinahanap na daw kase ako ng Prof. Namin. Bawal daw kaseng um'absent.

Kinuha ko ang maliit kong bag na may laman na Binder, ballpen, at yellow paper. Lumabas na ako sa kuwarto ko para kumain. Pero kahit pagkain wala akong gana.

"Faye. Ayos naba ang pakiramdam mo? Ilang araw ka nang ganyan" halata sa tono ni Mama ang pagaalala

"Opo naman Ma" i answered it with a fake smile.

"Ate naman, kumain ka nang maayos, nangangayayat kana, tingnan mo nga ang sarili mo" Suway sakin ng kapatid kong si Druke, 3 years lang pagitan naming dalawa. 16 years old na sya Grade 10.

"Opo Kuya" minsan kase parang mas matured pa sya kesa sa akin. "Nga pala Ma, 'san si Kuya?" Ang aga namang umalis non.

"Ah. Sumabay na sa Papa mo, kanina pa umalis."

"Ano bayan Druke!" Sabay palo ko sa kamay niya. Pano ba naman kase dinagdagan niya yong kanin ko. "Hindi ko kayang ubusin yan!" Ang dami kaya.

"Bahala ka dyan Ate! Ang payat payat mo na! Kaya kumain ka dyan." Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Na touch ako sa sinabe ng kapatid ko. "Kaya ubusin mo yan!- oh. Ba't naiiyak ka!?" Tanong niya habang nakataas ang kilay.

"Wala" umiling lang ako. "Hayst mapipilitan yata akong kumain" nakita ko namang ngumiti si Mama.

Nga naman. Madami namang nagpapahalaga sa akin, nasasaktan ko sila dahil sa pinag'gagawa ko sa sarili ko. I need to move on.

Mabilis kong inubos ang pagkain ko, pinilit kong lunukin at ubusin lahat. Hayst pano ba naman kase Druke!

Sumakay ako sa Isang Tricycle.

"Manong Xhendo College po" at nagpaharorot na ang tricycle.

*sighed*

Pano nga ba pag-kita kami? Pano pag nagusap kami? Anong sasabihin ko? Anong gagawin ko?.

Matapos ay isang mala roller coaster ride with manong ay nakarating nadin ako sa Xhendo College.

Malaki at malawak ang Main Campus kompara don sa isang branch, maliit lang. Dito madaming buildings. May soccer field, may sariling court. Hindi mo lubusang maisip na Semi-private lang ang school na 'to. Ang ganda kase sobra.

Madaming mga pine trees, na nakahelera kaya malilim. Kahit dalawang araw na ang nakalipas simula nong Bumalik ang skwela ay madami paring picture ng picture. Ang ganda naman kase ng Campus. Kaya hindi ko maiwasang ngumiti.

Naglalakad na ako patungo sa Business Adminestration Building para pumasok. Sa hindi kalayuan nakita ko si Joshua, may kamasang babae, 'd hamak na mas higit sa akin. Mas matangkad, mas maganda.

Para akong naestatwa nang magtama ang mga mata namin. Pero umiling lang siya at umalis kasama yong babae.

Kamusta yong puso ko? Heto basag, wasak, hindi na yata mabuo.

'Mga Akala'Where stories live. Discover now