ika-anim na pahina.

33 10 0
                                    

School Welcome Party

.

Friday na ngayon at ngayon gaganapin ang welcome party.

Siguro tama na yong kakantahin ko.

Hindi na muna ako pumunta ng School dahil wala din naman akong gagawin don. Ang mga activities kase ngayon hindi ko bet. At tsaka mamayang 4:00 pm pa ang start ng program, tapos matatapos ng depende daw eh, sabi mga 7:00 daw.

Kaya nandito ako ngayon sa bahay tinutulungan si Mama..

"Ma ako na nyan." Nag'lahad ako ng kamay para tulungan si Mama.

"Wag na Faye, mabuti pa't mag'ayos kana -a'alas dos na." Aniya. "At tsaka kaya ko na'to." Binigyan niya ako ng matamis na ngiti.

"Cge na nga lang." Nakita ko namang ngumisi si Mama.

Araw-araw naglilinis si Mama yong tipong hindi napapagod, kahit malinis na ang isang bagay, nililinis parin.

Kung ako siguro.... mga twice a week lang haha. Or Twice a month?

Pagtina-tanong namin siya kung bakit sya naglilinis, sinasagot niya lang na:

"Wala naman akong pwedeng gawin."

"Anong gusto niyong gawin ko? Tumunganga lang."

"Ang hirap kayang mag-isa sa bahay."

Kaya hinahayaan nalang namin siya.

Sinabihan narin siya ni Papa na siya nalang daw ang mag'monitor sa business namin. Kaso ayaw niya, baka malugi lang daw. Haha.

May business nga pala kami, maliit lang na kainan. Pero kahit ganon madami paring bumibili at kumikita naman kahit papaano.

Plano ni Papa, gawing Restaurant ang business namin, syempre dapat magsisimula muna kami sa maliit. Kaya todo kayod si Papa. Kaya kami nag-aaral ng mabuti.

Kapag lumago na daw iyon, ako daw ang susunod na mag'monitor sa business namin. Si Kuya John kase Engineering yong kinuha. 3rd year na sya ngayon tsaka sa ibang School sya nag-aaral.

Si Druke naman gusto niya ding mag Business Ad. sa College, kaya ABM yong kukunin niyang strand next year.

Hindi naman ako matalino. Sakto lang yong may kaunting alam. Kung sa exam sobra kalahati lang yong nakukuha, at kontento na ako don. Basta ang importante sa akin, walang bagsak at makakapagtapos ako ng pag-aaral.

Ano to? Sharing session? Haha!

Nag cellphone ako ng biglang lumabas ang chat head ng PATAY GUTOM.

Kill_Shella!: Hoy! Saan na kayo!? Nandito na me.

Broken_Heartue : going na me.

Kill_Shella!: anong oras kayo pupunta?.

InLove_With_You : Mamaya na ako. Mga 3 para okie keyo.

Nani!? : Kanina pa kami nandito.

Mary_Faye: papunta oks.

Seen.

Nag-ready na agad ako. Para umalis.

Sinuot ko na agad ang damit para sa sayaw. Tapos nag'baon ako ng dress, susuotin ko mamaya sa pag'kanta. Dala ko na din ang aking mahiwagang ukelele.

Pagkalabas ko sa bahay, agad akong naghanap ng masasakyan. Kapag minamalas ka nga naman oh!

Nagiisang tricycle lang ang meron, tapos kung magpatakbo itong driver na ito mala roller coaster.

'Mga Akala'Where stories live. Discover now