ika-limang pahina.

37 13 0
                                    

Talo

.

Grrr.!

Yong mapapatili at mapapapikit ka nalang mariin dahil sa inis.

Yeah. Simula nong hapong na'yon ay hindi na ako nilulubayan ng pang'iinis ni Naigel. Kahit anong gawin ko natatalo parin ako.

Kahit ako nakikipag hamonan, ako parin yong natatalo.

Kahit anong pangungutya ko ngumingisi parin ang mokong!

Buti talaga mga 'round 2 minutes lang yong sayaw kaya madali lang kami natapos.

Lunes ngayon at maaga ang klase namin kaya, maaga akong umalis nang bahay.

Mamayang hapon daw, finalized na daw yong steps, tapos ipag'susunod-sunod nadaw nila kung sino unang papasok na groupo. Like an entrance.

Ang galing nga nong mga trainor eh. Nagawa nilang ituro sa amin sa loob lang ng ilang oras. Magagaling kase sila, hindi katulad nang mga trainor sa cheer dance kung manigaw wagas.

Maaga ako dito sa room, ni isa sa mga PATAY GUTOM wala pa.

"Hoy Faye! Kamusta ka nong sabado?" Bati sa akin ni Trixie habang inaayos ang kanyang bag. Kakarating niya lang. Agad ko namang naalala yong nakuhang impormasyon ni Naigel mula sa kanya. Kaya tinignan ko siya ng mariin. "Oh? Anong problema mo?" Sabay taas niya ng kilay.

"Hoy Trixie!" Padabog akong tumayo sa upuan ko at dahan dahan na lumalapit sa kanya. Habang tinitignan sya ng matalim.

"A-ano b-ba hoy!" Gusto kong matawa sa hitsura nya dahil mukhang nakakita ng multo.

"Ano pang sinabi mo kay Naigel ha!?" Nag'aalab ang mga mata ko habang tinitignan siya.

"Ha!?"

"Sinabi mo tungkol sa akin!"

Tumawa naman tong babaeng to.

"Lahat" simpleng sagot niya. Namilog naman ang mga mata ko, akmang hahampasin ko na sana pero nag stop sign sya. "Hep! Hep!. Pero yong deep secrets natin d ko sinabi lalo na yong hiwalayan niyo ni Joshua." Sabay peace sign niya. "Ikaw, Faye anong tinatago niyo sa amin huh?" Abay siya naman ngayon.

"Huwag kang gaya-gaya Trixie, at wala akong tinatago sa inyo" inerapan ko sya. At tumawa lang sya.

"FAYE!" Halos mapalundag ako sa gulat sa tawag ni Vine. "Kamusta ka!?" Patakbo siyang lumapit sa akin at dinakmag niya ako ng yakap.

"Aray ko po! Vine, nagkita naman tayo nong friday" kung makayakap kase wagas. Kumalas naman siya sa pagkayakap. Tumawa naman siya.

"Ano kaba!" Sabay hampas niya sa akin ng mahina. "Ano! Kakalbohin na ba natin si Shella! Ha!?" Agad namang tumayo si Trixie at hinawakan niya ako sa braso.

Hala! Oo nga pala nandyan pa pala si Shella.

"Oo nga pala Faye!" Sigaw ni Trixie. "Tara na! Kakalbohin na natin ang babaeng yon!" Sabay higit nila sa akin palabas. "Kala niya ha" bulong niya sa sarili niya.

"Hoyhoy. Magsitigil na nga kayo!" Pinigilan ko naman sila. "Wag na oi, siguro naman tatantanan na ako ni Paul, kina'usap na sya ni Naigel."

Natigilan naman ang dalawa tapos humarap sa akin ng nakangisi ng nakakaloko!

"Why are you both grinning at me?" Tanong ko sa kanila. Tinaas ko naman ang isang kilay ko.

"Wow ha! Englishera!" Pangungutya ni Trixie.

"Wala naman hihi"

"Anong grinning?" Tanong ni Trixie. Nagkukunwari pa tong babaeng to!

Kumonot naman ang noo ko sa mga kinikilos ng mga 'to.

'Mga Akala'Where stories live. Discover now