ika-pito na pahina

33 7 1
                                    

Buking

.

"Nanalo tayo Faye" bulong ni Naigel sa tenga ko.

Parang umecho sa utak ko ang

NANALO TAYO

Nanalo tayo

Nanalo tayo

...

Unang-una hindi ko talaga gets...

Paano nangyari yon?

Tie?

Really huh, ang hirap naman kaseng isipin. Nang si Naigel kase yong nag-perform ang daming hiyawan, at hindi naman talaga maiipagkaila na ang ganda at manly ng boses niya habang kinakanta yong 'Always be my Baby'. Ultimo pag'kalabit niya nang mga strings nang guitara tatayo balahibo mo. Pag'bigkas niya ng lyrics, makalaglag panga.

Yong akin naman ang badoy ng pag'kakanta ko at tsaka ang lungkot ng kanta, saka nga lang nag'hiyawan ang mga tao pag'katapos ng kanta. -_-

Ang hirap naman kaseng isipin !!! ayaw tanggapin ng mapurol kong utak.

WALA AKONG PLANONG MANALO!!!

AYOKONG MANALO!!!

Well, dati gusto kong Manalo kaya nga ko kumanta ng matataas. Pero ngayon wala talaga.

"Good evening everyone! Let us all welcome our Champions!" Nagsipalakpakan naman ang mga studyante at may kasamasang hiyawan. "Ms. Faye and Mr. Naigel please come here in front for your speech"

AT MAY SPEECH PA!!!

Nilingon ko si Zia parang kambing nguya ng nguya tapos ang sama kung makatingin. Problema nitong babaeng to.

Yong lights naman naka center naman sa amin ni Naigel.

"Tara na?" Tanong niya. Tumango nalng ako bilang tugon.

...

Matapos ang gabing iyong hindi parin ako nilulubayan ng pag'tataka. Hindi dahil sa nanalo kami.

Kundi dahil sa inaasta ni Zia sa akin. Para bang may kung ano akong nagawang masama sa kanya. Like, duh~ ni hindi ko nga sya kinaki-usap.

Bati na nga kami ni Shella pero may panibago na naman at mas malala dahil hindi ko alam kung ano ang ugat ng galit niya.

Kahit hindi niya sabihin sa akin alam kong galit siya.

Inggit ka ghorl? Tsk!

Isang linggo na nga palang lumipas matapos ang pangyayaring iyon. Hayst, ayokong Manalo dahil sa exposure.

Madaming friend request. Message request. Pero hindi ko sila ina'accept bahala na kung feeling famous, basta secured ang account ko sa hackers.

Na'aaprecciate ko naman yong iba dahil nag'congratulate sila sa akin, yong iba naman naniligaw. Utot!

Madaming nag'greet sa amin ni Naigel. Yong PATATY GUTOM nga halos mag'wala dahil kami yong nanalo.

'Mga Akala'Where stories live. Discover now