CHAPTER 3

19 0 0
                                    

AMARA ZEIN'S POV

Tatlo o apat na taon nakalipas simula ng mangyare yun at yung nakabangga sa akin ang tumulong sa akin

Inampon nila ako, inalagaan, minahal, pinakain, binihisan at tinuring na parang totoong pamilya

Pinalitan ko din ang appelyido ko dahil ayoko ng magiwan ng kahit na anong bakas mula sa nakaraan ko. Ayoko ng magimg suarez. Ayoko ng magiwan ng bakas nang pagiging suarez

Napabuntong hininga ako at nagpatuloy sa paglalakad

Kasama ko sila ian at lindsey na naglalakad papunta sa mga classroom namin

First day ko dito pero sila ay second day na nila dahil kahapon ay may nangyareng hindi maganda kaya di ako nakapasok

Sumakit puson ko! Huhuhuhu!! Ang hirap maging babae! Saket saket! Kaya talaga kapag may marinig ako na lalake na nagsabi na mahihina ang mga babae ay ipapalamon ko talaga sa kanila mga napkin ko! Kingina nila! Sila mag red tide! Tignan natin kung makaraos sila!

Napatigil ako sa paglalakad nang may nahagip ang mga mata ko, mga taong nagkukumpulan at nagtatawanan sa gilid

"uy! Ara! Problema mo?? Tara na! Baka malate pa tayo!" sabi ni lindsey at tinutusok tusok ang tagiliran ko

Naiinis na hinanampas ko ang kamay niya dahil sa bawat tusok niya ay pakiramdam ko ay may tumatagas

Arghh!! Ayoko talaga ng red days!! Kairita!!

Walang pasintabi na umalis ako dun at pinuntahan yung pinagkakaguluhan nila

"hoy! Ara! Bumalik ka dito! Baka malate pa tayo!" sigaw ni lindsey pero di ko siya pinansin at ganun na lang ang gulat ko ng bigla na lang sumulpot si ian out of nowhere at tumalon sa likod ko

"bakla ka! San ka pupunta!" sigaw niya habang nakasakay sa likod ko

"baba! Bakla ang bigat mo! Baba ka!" sigaw ko na hindi niya sinunod kaya naiinis na tinulak ko siya at napapikit na lang ako ng sumakit ulit ang puson ko!

Tae! Sana di ako tagusan! Kaasar!

Sumingit ako sa kumpol na mga tao at nang makarating ako sa harap ay kita ko ang babaeng nakaupo sa sahig at punong puno ng itlog sa katawan at harina!

Sayang!...yung itlog at harina

Rinig ko ang mga tawanan nila at mga pangaasar nila na ikinainis ko

Agad akong humarang sa pagitan ng babaeng cake at nung mananampal para sana sanggain yung kamay niya pero ganun na lang ang panlalaki ng mata ko ng hindi ko nasalo ang kamay niya at sakin tumama ang sampal

Napaharap ako sa kabilang gilid ko dahil sa lakas ng sampal

Rinig ko pa ang singhapan, tawanan at bulungan ng mga tao sa paligid ko dahil sa nangyare pero...pake ko??

"and who are you bitch!?" nang muli akong humarap sa kaniya ay dun ko napagmasdan ang kabuoan niya at nila meron din siyang kasamang dalawang alipores na katulad niya manamit na hindi ko ikakainggit dahil halatang naghihirap na sila dahil sigurado ako na naubusan sila ng tela ng pinapagawa nila ang school uniform namin. Sigurado ako mga telang ginamit sa damit nila mga tira tira

Maiiksi ang palda nila at hapit na hapit naman ang pangitaas nila, may kolorete ang mukha nila at halatang maganda sila pero.....pake ko??

Nangaasar na tumingin ako sa paligid at nagkibit balikat

"walang dagat dito, kaya panong nagkaroon ng beach dito?" sagot ko na ikinatulala niya kaya ginamit ko ang pagkakataon na yun para hilahin yung babae paalis sa lugar na yun

Nang magsasalubong na kami nila lindsey at ian ay tumawa ako sa kanila dahil bakas sa mukha nila ang pagtataka

"uy! Anong nangyayare ba—"

"—ARGHHH!! GET THAT SON OF A BITCH!!" malakas na sigaw nung babae kanina na ikinatawa ko kaya nang makalayo ako nang kaunti sa kanila ay humarap ako sa kanila at ngumiti bago isigaw ang salitang

"BABAE AKO! KAYA DAPAT GET THAT DAUGHTER OF A BITCH!" pangaasar ko at tumalikod ako at naunang tumakbo bago isigaw ang salitang "TAKBO!"

Habang tumatakbo kami ay agad kong binuksan ang pinto kung saan alam kong walang tao dahil dito nilalagay ang mga kagamitan sa panglilinis

Nalaman ko yun dahil marunong akong magbasa ng karatula kaya alam kong lalagyanan yun ng panglinis

Nang wala na akong marinig na ingay ay lumabas ako at nang makita ko ang mga mukha nila ay dun ako humagalpak ng tawa

"hahaha! Ang lt ng mukha ninyo! Grabe!"natatawa kong saad pero napatigil ako sa pagtawa ng may maramdaman na naman ako kaya napangiwi ako na ikinangiti nila lindsey at ian

"oh ano? Masarap noh? Sige tawa pa"

"bruha ka! Di ka namin kilala"

Sarkastiko nilang saad sa akin at naunang maglakad na ikinatawa ko pero this time ay mahinhin na tawa muna tyaka na lang ako tatawa ng pagkalakas lakas kapag wala na ang pulang alon

Sumunod ako sa kanila at sabay nagsumiksik sa gitna nila para akbayam sila pero di pa kami na kakalayo ng may maalala ako

Tumigil ako sa paglalakd kaya napatigil din sila paglalakad, humarap ako sa likuran ko at nakita ko si ateng cake na nakatingin lang sa amin at nakangiti na parang baliw

"tara, sabay ka na samin" nakangiti kong saad sa kaniya na ikinalaki ng mata niya

"t-talaga? Hindi mo ko aawayin?" di makapaniwalang bulaslas niya na ikinatawa naming tatlo

"naku! Di kaniyan aawayin! Trust me! Type ka niyang baklang niyan! Jojowain ka ng baklang toh!" sinamaan ko ng tingin si ian ng sabihin niya yun

Tsk....lalaki ako kung kumilos pero hindi babae ang hanap ko noh! Babae pa din ako! Naaakit sa pandak na cute! In short sa ...aso!

"tsk....wag kang maniwala jan! Ghinost lang yan ng boylet niya! Hmp! Jumbagin kita jan eh!" saad ko na ikinatawa na naman nilang dalawa pero ako ay umirap lang at binalik ang tingin sa babae na kanina pa nakatingin sa akin kaya nilahad ko ang kamay ko sa kaniya at ngumiti

"amara, amara zein cortez"

Ngumiti din siya sa akin at bahagyang lumapit sa akin para maabot ang kamay ko at nakipagkamayan siya sa akin

"soleil, soleil ann reyes. Sollen for short" at ganun na lang gulat ko ng yakapin niya ako dahilan para madikit din sa damit ko ang mga nakadikit sa damit niya

At nang maghiwalay kami sa pagkakayakap ay nagkatinginan kaming apat at maya maya lang ay we end up laughing at each others corny jokes

The Last HeiressWhere stories live. Discover now