AMARA ZEIN'S POV
Kasalukuyan akong nagpapalit ng damit dito sa may locker room sa pinagtratrabahuhan ko dahil magiging isa na akong gitarista ngayong gabi!
Yeah! Nandito sila ian, lindsey, shane, solenn, at cream pero audience daw sila dahil baka kailngan ko daw ng support at taga palapak sabi ni ian
Lumabas na ako sa lockers room dahil ako na ang papalit sa tumutogtog kanina sa may stage
Siya si scarlet. Mailap siya sa mga katrabaho niya at di siya palasalita pero ramdam kong mabait siya dahil tinulungan niya ako kanina na hanapin yung pick ko sa gitara
Nang makasalubong ko siya ay di man lang siya nagabalang tapunan ako ng tingin o ng kung ano pa man dahil dinaanan niya lang ako na parang di ako nage-exist sa mundo!
What's wrong with her?
Binalewala ko na lang ang nasa isip ko at umakyat sa stage para tumgtog
Kinanta ko ang mga request na kanta ng mga costumer at nang makitang lumapit sa akin si ian ay tinaasan ko siya ng kilay ng maglapag siya ng papel at nagtakip ng bibig at pigil na pigil ang tawa niya!
Problema non?
Natapos ako sa kinakanta ko at nang madampot ko ang papel na binigay ni ian ay agad ko siyang sinamaan ng tingin pero nagtawanan lang sila dun sa may lamesa na ikinairap ko
Pano ba naman kasi! My way! Ang pinapakanta niya! Baka mamaya! Mabaril na lang ako dito or something! Baka mamatay pa ako sa pagkanta kong toh!
Tsk....mumultuhin ko talaga kayo!
Kinakabahang napalunok ako at tumingin sa mga ibang matitinong costumer. Yung iba hinihintay akong kumanta, yung iba lasing na, yung jba walang pake, yung iba kumakain lang
Bumuntong hininga ako at nagsimula ng magstrum ng gitaraNang malaman nila ang kakantahin ko ay kaniya kaniya sila ng reaction dahilan para lihim akong mapairap
May mga tumatawa, mga nagbubulungan, may kumukuha na nga rin ng video
Sige kunan niyo ko ng video para masaksihan niyo kung pano ako mamatay kapag kinanta ko toh! Tsk...wag naman sana!
Kaasar!
Habang kumakanta ako ay napabaling ang atensiyon ko sa may pinto ng marinig na magbukas iyon at niluwa nito ang limang nag gwagwapuhan na nilalang
Umiwas ako ng tingin at nang dahil dun ay napadako ang tingin ko sa lamesa nila ian at nakita ko dun na namumutla sila shane at solenn at walang tigil na silang umiinom ng tubig na ikinataka ko
What's wrong with them?
Natapos ang ilang mga kanta ay tapos na ang trabaho ko na hindi naaaksidente o kung ano pa man
Bwisit na my way! Pinapabilis neto yung tibok ng puso ko kanina! Dahil baka mamaya barilin na lang ako ng wala sa oras!
Nagpalit ako ng damit sandali sa lockers room bago ako nagtungo sa lamesa nila ian
Nang makaupo ako dun ay agad kong kinuha ang bote ng alak at uminom dun
"kilala niyo yung mga yun, shane?" patungkol ko dun sa mga lalaki
Bahagya silang tumangong dalawa at uminom na naman tubig tapos yuyuko
"anong problema niyo, mga bakla!? Ang gwagwapo nang mga yun. Takot na takot kayo?" sabi ni lindsey na sinangayunan naman nila cream
Binalewala nila ang tanong namin at nag open ng bagong topic
Tsk...sino ba yung mga yun? At takot na takot and dalawang yun? San kaya nagaaral ang mga yun? Pinsan kaya nila? O ano? Tsk....baliw na ako
Sumulyap ako sa lamesa nila at nakita ko sila na nakatingin sa direksyon namin na may mga ngisi sa mga labi at kaniya kaniya sila ng bulungan na hindi ko naman naririnig
Tsk....problema niyo?
Nang makita nilang nakatingin ako sa kanila ay bahagyang tinaas nung lalaking mukhang pinya ang basong hawak niya na ginantihan ko ng tango bago ako bumalik ng tingin at makipag kwentuhan kila shane
What's wrong with them?
YOU ARE READING
The Last Heiress
Teen Fiction"Takot akong magmahal, takot akong masaktan, takot akong magtiwala, takot akong maramdaman na buhay pa ako pero parang pinapatay na ang kaluluwa ko pero mas takot akong mawala ka sa tabi ko, mahal ko" ----------- Wazzzupp!! Guysss!! Hehehehe! Sorry...