CHAPTER 7

6 0 0
                                    

AMARA ZEIN'S POV

as month as pass by ay lagi na akong nabubully dito sa school na toh pero binabalewala ko na lang din dahil they are not worth it

Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa classroom kasama si cream

Ewan ko ba lagi na lang nakabuntot sa akin si cream tapos kapag tatanungin ko naman kung bakit lagi lang siya ngingiti o di kaya magkikibit balikat

Napaka weird niya! Kung hindi ko lang talaga siya kaibigan mapagkakamalan ko na type niya ako!

Katakot!

"baklang ara!" napatingin ako kay ian ng bigla na lang siya sumisigaw out of nowhere at sinisigaw ang mga salitang yun

"bakla!  Bakla! Bakla!" paulit ulit niyang sabi at nagtatalon sa harap ko at di mapakali

"bakit ba!? Kanina ka pa!" inis na bulyaw ko sa kaniya dahil sa bukod sa nagngangawa siya ay paulit ulit niya ng hinahatak ang damit ko pababa dahilan para mapasama ako ng bahagya

"sila shane! Si shane! Waaahh! Ang baklang shane! Pati si solenn! At ang gurang na lindsey! Waaahhh! Dali! Dali!" natatarantang saad niya at basta basta na lang akong hinila sa kung saan

Nakarating kami sa lugar malapit sa canteen at ganun na lang ang pagkagulat ko ng makitang akmang sasampalin nung sandy na yun si lindsey at pinagtutulungan nung mga alipores niya sila shane at solenn kaya agad akong tumakbo sa abot ng makakaya ko at humarang sa pagitan nilang dalawa at pumikit pero wala akong naramdaman na kamay sa mga pisngi ko kaya unti unti akong nagmulat ng mata at nakita ko dun si cream na hawak hawak ang kamay ni sandy ng mahigpit

Kaniya kaniya sila ng ingay at pustahan sa mga nangyayare pero wala sa kanila ang atensyon ko. Na kay cream na nakakatakot ang aura

"back off" malamig na saad ni cream na ikinatahimik ng lahat na nanonood sa amin

Nagulat na lang ako ng wala kahirap hirap na binalibag ni cream si sandy at pinagsisipa ang mga alipores niya na si audrey at leslie ng ganun kadali!

"lahat kayo. Umalis na kayo kung ayaw niyong balibagin ko kayong lahat at damputin niyo yang mga yan" malamig na saad niya dahilan para magtakbuhan paalis yung iba at yung iba naman na naiwan ay tinignan ni cream dahilan para hilahin nila sila sandy papunta sa clinic

Humarap sa amin si cream at napalunok ako ng wala sa oras ng makitang balik na siya sa dati! Yung palangiti! Masayahin! At mabait! Nakakatakot siya! Baka mamaya baliw pala siya at saktan kami! Grabe! Kung lalaki lang siya ay baka mapagkamalan ko siyang knight and shining armor ko! Shocks! Natitibo na ata ako!

Napatingin ako kay cream ng biglang umakbay sa kaniya si nathan na ikinairap ko

Sila ang may kasalanan nito! Lahat ng nangyayare sa amin ay kasalanan nilang lima! Mga peste sila sa buhay ko! Namin! Nakakainis! Silang lima! Isama na nila yung leader nila nassg president pero wala namang kwenta dahil napaka kunsitidor!

"ang galing talaga ng baby ko!" nakangising saad ni nathan kay cream na ikinairap naming lahat!

Oo may gusto si nathan kay cream! Pero ni cream ayaw niya kay nathan!
Pero si nathan! Arghh! Nakakainis! Idagdag mo pa yang mga kaibigan niyang mga mukhang namang t*bol! Kaasar! Ang titigas ng mga mukha!

"tsk....tara na" pagsusungit ni solenn na ikinataka ko pero kita ko na ngumisi lang si lucas na mas ikinataka ko

Napakagat ako ng labi ng magtama ang mata namin ni anthony pero agad din akong nagiwas ng tingin

Kapag naaalala ko ang first encounter namin ni anthony ay hindi ko maiwasang mamula dahil sa hindi ko malamang kadahilanan! Wala naman akong gusto sa kaniya dahil alam kong kaibigan niya ang mga tubol na yun! At tubol din siya sa paningin ko!

Nauna ng umalis si solenn na sinundan ni shane na nakatungo at sila ian at lindsey at sumunod na ako sa kanila kasabay si cream

Rinig ko pa ang asaran nila sa likod ko at ramdam ko din ang titig niya! At pakiramdam ko ay tumatagos ang mga tingin niya sa akin!

Si eark kurt! Siya ang ssg president na kinaiinisan ko! Lagi niya akong pinapahamak o kung ano pa man! Nakakabanas siya dahil lagi niya akong pinagtritripan gamit ang posisyon niya! Yan tuloy! Ng dahil sa kaniya! Binubully ako ni sandy at pinagtritripan! Pero siya wala siyang ginagawa! Gosh! Ssg president ba talaga siya! Nakakainis!! Gigil niya si ako!!!

Mga tubol talaga!

Tsk....ang titigas ng mukha!

The Last HeiressWhere stories live. Discover now