CHAPTER 4

12 0 0
                                    

AMARA ZEIN'S POV

ano ang pinaka exciting na part ng pagpasok sa school? Siyempre! Walang iba kung di......uwian!!

Iniwan namin ang mga kotse namin sa parking lot ng school dahil trip muna naming kumain ng lugaw diyan sa may kanto

Wala kasing lugaw sa school eh! Sa trip kong kumain ng lugaw.. Pake niyo ba??

Kasalukuyang naghahatutan at nagtatawanan yung tatlo sa harapan ko at ako? Pass muna ako dahil baka mamaya tangayin ako ng alon. Masaya kasama si solenn at kwela siya at bibo, palaasar at matalino kaya hindi ko alam kung bakit siya binubully ng mga tao sa school.....wala ba talaga silang magawa sa buhay?

Napatigil sila sa paghaharutan at maging ako ay natigilan sa paglalakad ng may narinig ako sa likod ko

Nang lumingon ako ay ganun na lang ang panlalaki ng mata ko ng may makita akong aso! Hindi siya pandak kaya di siya kyut! At nasa likod ng mga asong yun yung tatlong babaeng campus queen kuno daw nila!!

"good luck bitch!" sigaw niya at pinakawalan ang mga asong naglalaway at nagnanasa na 'mangagat' ng buto!

Shet!! Shet!! Shet!!.....takbo!!

Nauna akong tumakbo at rinig ko pa ang tilian nila sa likod ko at ang pagmumura nila dahil sa ginawa ko

"t*angina mo! Ara! Hinahabol tayo ng aso!!"

"bakit ka kasi tumakbo!?"

"ahh! Ang beauty ko! Nasisira! Kaloka ka gurl!!"

Sa halip na kabahan dahil sa hinahabol kami ng mga aso na naglalaway ay tumawa na lang ako ng pagkalakas lakas pero tinigilan ko iyon ng may maramdaman na naman ako

Haysst!! Malas!!!

Natumba ako sa pagtakbo ng may mabunggo akong babaeng mabagal na naglalakad at maraming dalang mga art materials

Natapon lahat ng gamit na dala niya at parehas kaming nadapa sa semento

Tae! Why so malas??

Nang malapit na akong makabangon ay ganun na lang ang panlalaki ng mata ko ng makitang papalapit na yung mga aso!

Shet!!!!

Agad akong tumayo at hinila yung babae habang ang isang kamay ko naman ay bitbit yung bag niya! Bahala na yung iba! Basta may masalba!

Habang tumatakbo kami ay may nakita akong nakaparadang kotse kaya agad akong tumakbo dun at umakyat sa bubong nun at tinulungan yung babaeng makaakyat

Nang makaakyat kami sa bubong ay nagkatinginan kaming dalawa at sabay na tumingin sa baba kung saan pilit kaming inaabot ng mga aso

Hindi nila maabot dahil mataas ang kotse na toh, di ko lang alam ang tawag pero...ano bang pake ko?? Di naman ako ang may-ari

Ewan ko ba. Simula nung mag fourteen ako alam kong may nagbago sa akin, yung pananalita ko, kung pano ako magisip! Eh bihira na nga lang ako magenglish! Hindi katulad dati na hindi tatagal ng isang araw na hindi ako nageenglish!! Tapos...parang hinahanap ng katawan ko yung gulo kaso minsan kapag napapasabit ako sa gulo natutulala ako o di kaya umiiyak ako, depende ata sa mood ko?

Nabaling ang atensyon ko sa katabi ko ng magsalita ito at nakita ko siya na nakalahad ang kamay at nakangiti sa akin

"shane, shaira jane constancio" ngumiti ako sa kaniya at inabot ang kamay niya

"amara, amara zein cortez"

Nagtawanan at kwentuhan kami na parang ang tagal na naming magkakilala pero kani-kanina lang talaga kami nagkakilala pero ang gaan ng loob ko sa kaniya at ang sarap niyang kausap sa totoo lang

Hahahaha! Ang sarap lang sa feeling na marami kang kaibigan tapos lahat tunay!

Nalaman ko na grade 10 din siya katulad ko kaso magkaiba kami ng section

Section A siya pero ako nasa section B at nalaman ko din na nakakatakot daw sa section nila dahil daw merong limamg kolokoy na nandon at kaklase niya pala si solenn at sinabi ko sa kaniya na magkaibigan kami ni solenn at kung ano ano pa

Napatigil kami sa pagkwekwentuhan ng biglang magring ang cellphone ko kaya agad kong kinuha iyon sa bulsa ng palda ko

~~~lolang bruhilda calling~~~

"he—"

[—hello? San ka na?? Kanina pa kami dito sa luwagan! Umuwi na si solenn! Bat ba ang tagal tagal mo! Akala ko ba gusto mo ng lugaw? Ha!? Asa—] agad kong pinatay ang tawag dahil alam kung kapag pinatapos ko pa siya sa pagsasalita ay baka abutin na ako ng umaga

Tumingin ako sa baba at dun ko lang napansin na wala na pala yung mga aso

Mukhang napasarap kwentuhan namin ah?

"uhmm...i think i should go. Gabi na pala hindi ko man lang namalayan ang oras" natatawang saad ni shane at naunang bumaba

Nang makababa na ako ay humarap ako sa kaniya at ngumiti

"sige bukas ulit. Sabay tayo sa recess bukas, ah?" saad ko na ikinangiti niya
"okay, so.....pano friends?"

"friends"

The Last HeiressWhere stories live. Discover now