AMARA ZEIN'S POV
napapikit ako ng wala sa oras ng maramdaman ko ang malamig na tubig na bumuhos sa akin
Kasalukuyan kaming kumakain sa canteen dahil nga sa breaktime na! Pero buset!
Nagmulat ako ng mata at nakita ko ang mga nakangising mukha ng mga espasol at mga mukhang nagulat sa nangyare
Pinunasan ko ang mukha ko at napatingin ako kay ian ng tumayo siya at agad na sinabunutan si sandy
"impakta kang mangkukulam ka! Kaimbyerna ka! Salot ka salot! Mukha kang espasol na binalot sa plastic! Plastic labo ka gurl!? Aaahhh!!" sigaw niya habang sinasabunutan niya sila sandy at yung mga alipore niya na ikinamangha ko
Kaya niyang sabunutan yang tatlo n ayan ng sabay sabay!? Wow! Ang galing!
"ouch!"
"eww! Wag mo kong hawakan! Using your maduming hands!"
"aaahhh! My hair!!"
Kaniya kaniya nilang sigaw kay ian pero di sila pinakinggan ni ian
Agad nanlaki ang mata ko ng makitang tinapon ni cream ang mga palabok, carbonarra at spaghetti namin sa lamesa at kinuha kay ian ang buhok ng tatlo bago ingudngud ang mukha nung tatlo sa lamesa
Maraming napa 'ooohhh!' at natawa at yung iba ay kumukuha na ng video
"yan ang bagay sa inyong mga espasol kayo! Kaloka kayo! Napaka niyo! Attitude kayo sis!?" galit na saad ni ian samantalang sila lindsey, shane at solenn ay nanatiling gulat sa mga pangyayari
Takte! Sayang yung pagkain!
Nang bitawan ni cream yung tatlo ay agad silang lumayo sa amin at kita sa mga mukha nila ang galit
"pagbabayaran niyo toh!!? Im gonna make sure na gagawin kong imyerno ang pag stay niyo dito!!" galit na sigaw ni sandy pero agad siyang kwinelyuhan ni cream at pinandilatan ng mata
"may sinasabi ka?" malumanay niyang saad dahilan para mas lalo akong manlamig
Kita ko na nanginig sa takot sila sandy at nang bitawan ni cream sila sandy ay nagpapadyak sa inis at nagmadaling umalis habang sumisigaw ng
"isusumbong ko kayo kay daddy!"
Ano ka bata!?
Tumingin ako kay cream at agad na nagpaalam na magpapalit lang ng damit sa cr na sinangayunan naman nila
Dahil sa aircon ang cafeteria! Ay doble doble ang lamig ko!
Nang makapasok ako ng cr ay agad kong hinalungkat ang bag ko para kunin yung damit ko
Simula nung araw na pinuntirya kami ng grupo nila sandy ay lagi na kaming may dalang damit. Lahat kami
Tsk....dami ko na ngang damit eh! Kakabili ng extra! Pano ko mapapagipunan yung gitara kung lagi na lang ganito!? Minsan sira yung mga gamit ko! Minsan naman yung mga gamit ko sa locker! Minsan naman yung mga panlinis dahil sa mantya ng damit ko!
Nakakainis na ah!
Natapos ako sa pagbibihis at ganun na lang ang pamumula ng pisngi ko ng makitang nasa labas si anthony!
What's wrong with me!?
"a-ah....anong ginawa m-mo jan?"damn! Bakit ngayon ka pa nautal!?
"im waiting for you. Nakita ko yung nangyare kanina, i just wanna check if your okay" saad niya at ngumiti! Yung ngiting pwede ng maging model ng toothpaste! Tapos bahagya pa niyang kinakamot ang batok niya at ang pamumula ng tenga niya! Why so cute!? Sarap gawing keychain!
Atyaka ano daw!? Hehehe! Waiting daw oh! Tapos hehehe checking daw! Hahahaha! Ano ba points ko para makapasa sa puso mo!? Ayieee!!
Pinilig ko ang ulo ko para tanggalin ang kung anong masama sa isip ko
"a-ayos lang naman ako. Wag ka ng mag alala" malumanay na saad ko at nilagpasan siya
Habang naglalakad ako pabalik ng cafeteria ay ramdam ko ang pagsunod niya kaya mas binilisan ko pa amg paglalakad
Sumulyap ako sa kaniya at kita ko na tumatakbo na siya papalapit sa akin
Mas binilisan ko pa ang paglalakad pero ganun na lang ang gulat ko ng bumunggo ako sa isang matigas na bagay dahilan para muntik na akong matumba kaya pumikit ako at hinintay ang pagsalpak ko sa lupa per naramdaman ko ang kamay sa bewang ko at ang mainit pero mabango niyang hininga na tumatama sa tenga ko
Unti unti akong dumilat at nabungaran ko ang maamong mukha ni kurt na ngayon ay bahagyang namumula ang kaniyang nga pisngi
Nagkatitigan kaming dalawa ng matagal at ramdam ko ang pag tibok ng puso ko ng sobrang lakas!
Lumilindol! Lumilindol! Ang puso ko! Ang puso ko! Waaahhhh! Ano toh!?
Pero ganun na lang ang pagkagulat ko ng bigla niyang akong bitawan dahilan para mapasalampak ako sa sahig!
Sinamaan ko siya ng tingin dahil ang sakit ng puwet ko! Aahhhh! Ang sakit! Una pwet mga bakla! Pero inasikan lang ako ng tubol!
Tsk....ano pa bang aasahan ko sa isang tubol na kagaya niya!? Malamang ang katigasan! .......ng mukha!
Wag greenminded!
"tsk....magingat ka. Tanga ka pa naman" saad niya at agad na umalis
Naiwan akong tulala at hindi makapaniwalang nakatingin sa kawalan
"ayos ka lang?" sinamaan ko ng tingin si anthony na ikinayuko niya kaya inis akong tumayo at kinuha ang bag ko ng marinig ko na ang bell hudyat na tapos na ang recess
"ah! Amara!"
"ano!?"
"d-dito yung daan, hindi jan" nahihiyang saad niya at tinuro ang gawing kanan kaya inirapan ko siya at agad na nagtungo dun
Kaasar!
_______________
Hey guys! Sorry po hehhe dahil hindi po ako marunong mag beki language kaya ano po sorry, heheheh!
Love you all!
God bless!
YOU ARE READING
The Last Heiress
Ficção Adolescente"Takot akong magmahal, takot akong masaktan, takot akong magtiwala, takot akong maramdaman na buhay pa ako pero parang pinapatay na ang kaluluwa ko pero mas takot akong mawala ka sa tabi ko, mahal ko" ----------- Wazzzupp!! Guysss!! Hehehehe! Sorry...