AMARA ZEIN'S POV
First period namin ngayon at kanina pa ako naiinip dahil wala pa ang teacher namin sa first period
Nakapalumbaba ako sa lamesa at nakayuko habang nagsusulat ng kung ano ano sa likod ng notebook ko sa science
Oo. first subject namin ay science pero alam mo ba kung ano yung mas masaket? Yung pagkatapos ng science niyo ay math!
Oo, matalino akong bata! Pero naman! Dudugo ata utak ko nun! Tapos kaaga-aga mag sosolve ka! Tapos pagkatapos mong mag solve! Magso-solve ka ulit! Tapos pagkatapos mong magsolve! Babalikan mo pa ang nakaraan! Dahil sa subject na history! Tapos nun....pwede ka ng mamahinga dahil sa 30 minutes na break time
Nagtratrabaho ako minsan sa gabi bilang isang singer sa isang restaubar, tuwing wednesday, friday at sunday at kaya ako nagtratrabaho ay dahil may gusto akong bilhin na gitara at ang mahal nun pero....gusto ko yun kaya pagsisikapan ko!
Napatingin ako sa pinto ng marinig yung magbukas at napatigil din ang mga kaklase ko sa pagdadaldalan at chismisan at parang dumaan na ang anghel at para nasa silang mababait na bata nang pumasok ang teacher namin na terror kaya mas lalo akong.......'natutuwa'
Tsk...bait baitan tong mga classmate ko pero kanina yung pogi naman sa kabilang section ang pinaguusapan tapos yung mga boys naman ay mga babae naman ang pinaguusapan! Nadididri nga ako eh! Kung ano ano pinaguusapan nilang kabastusan! Sumbong ko kaya tong mga toh?
"good morning class"
"good morning maam!"
"okay please be seated" at nagsimula na siyang banggitin ang mga pangalan namin at sisigaw naman kami ng mahiwagang salitang 'present'
Napatigil si maam sa pagbigkas ng pangalan ng magbukas ang pinto at niluwa non ang isang magandang babae at nang magtama ang mga mata namin ay bigla siyang ngumiti na ikinakabog ng dibdib ko
Shet!! Tibo na ata ako? Pero....pamilyar siya parang nakita ko na siya somewhere else pero di ko siya matandaan siguro.....nakasalubong ko na toh dati?
Nang makarating siya sa harapan ay kita ko na tinaasan siya ng kilay ni maam at sinabi ang mahiwang salita sa istudyante na late
"why are late? Ms. Dela carta?"
"im sorry po maam, natraffic po ako" sabi niya at tinanguan lang siya ni maam bago senyasan na umupo
Sunusundan ko siya ng tingin hanggang sa umupo siya tabi ko na di ko man lang alam na sa kaniya pala toh. Akala ko pa naman bakante tong upuan na toh! Lalagyan ko sana ng bag ko! Tsk.
..........
Natapos ang tatlong sunod sunod na subject na kinaaayawan ko pero eto ako! Kaya pa! Pwedeng pwede pang lumaban! Hahaha! Mga wala silang patawad! Tatlo araw pa lang kaming pumapasok! Pero ang sakit na ng ulo ko!
Naglalakad kaming apat! Papunta sa classroom nila shane dahil kasama namin silang kakain sa cafeteria
Oo. Apat dahil kasama na namin yung dela carta at kaibigan na namin siya. I dont know pero ang gaan ng loob ko sa kaniya, ang buong pangalan niya ay selene crimson dela carta pero ang sabi niya tawagin na lang daw namin siynag cream for short
"kawawa talaga siya! just like o.m.g.! Yuck! I dont want to be like her, noh! She's so malas kaya!"
"yah! Girl! Lagi siyang napapagtripan ng mga boys kaya im so...naaawa sa kaniya kaya if im giving a chance to switch on her position! That is a big 'no'" hindi ko na narinig ang mga pinaguusapan nila dahil nakalayo na sila pero parang kilala ko kung sino yung pinaguusapan nila
Agad akong naglakad ng mabilis at di na pinansin ang mga sinasabi nila lindsey dahil may kutob ako na pinagtripan na naman nila si solenn
Nang makapasok ako sa classroom ng section A ay nakita ko kaagad sila solenn at shane na parehas na nakaupo sa sahig at parang mga basang sisiw, wala na ring mga tao sa buong classroom at tanging sila na lang ang natitira
Agad ko silang nilapitan at nang magangat sila ng tingin ay kita ko sa mga mata nila na gusto na nilang umiyak at sa mga oras na toh ay naninibago ako kahit na hindi ko sila matagal na nakakasama ay alam ko na masayahin silang tao at positibong tao pero naguguluhan pa din ako. Bakit ba nila inaaway si solenn? At pati ngayon! Damay na si shane!? What's wrong with this people!?
Agad akong lumuhod sa harapan nila at binigay sa kanila yung nagiisa kong panyo na agad namang kinuha ni solenn
Napaangat ako ng tingin ng may biglang naglahad ng dalawang damit at nakita ko dun si cream na nakangiti sa akin gamit ang mga mata niyang maraming sinasabi
Tipid akong ngumiti at tumayo bago alalayan sila shane at solenn na tumayo
"sino bang may gawa niyan sa inyo!? Ha!? Bakit pati babae inaaway nila!?" irita kong saad at sinipa yung upuan sa gilid ko pero mahina lang...baka mamaya masira wala akong pambayad
"hayaan mo na lang sila am-am. Di ka magkakapera kapag pinatulan mo sila" saad ni cream na ikinasimangot ko
Ayan na naman siya! Sa am-am na yan! Naiinis ako! Para akong aso kapag tinatawag niya akong am-am!
"wag mo nga akong tawaging am-am! Para akong aso kapag tinatawag mo ko niyan!" saad ko na ikinatawa nila kaya kinuha ko yung damit sa kamay niya at sinampal sa mga mukha nila ni ian at cream pero mas natawa lang si cream samantalang si ian ay nakabusangot ang mukha inaayos ang nagulong buhok. maganda ang katawan ni cream pati ang mukha niya pero....pake ko?? Tataba din naman yan kapag tumada na kaya bakit ka pa mageefort na magpapayat, diba?? Ang sarap kaya lumamon!
"tsk! May bago akong bolpen. Gusto mo??.....isaksak ko sa baga mo?" mataray kong saad kay cream pero tinawanan na naman nila ako kaya napairap na lang ako dahil sa inis
Makakaganti din ako sa inyo! hahaha! Hintayin niyo lang! Gaganti ako!
YOU ARE READING
The Last Heiress
أدب المراهقين"Takot akong magmahal, takot akong masaktan, takot akong magtiwala, takot akong maramdaman na buhay pa ako pero parang pinapatay na ang kaluluwa ko pero mas takot akong mawala ka sa tabi ko, mahal ko" ----------- Wazzzupp!! Guysss!! Hehehehe! Sorry...