"Not everything you get is asked for,
but you can still check for a receipt."--Unknown
***
Sunday, July 23, 2051.
8:54 am
Ibinaba na ni Misis A ang smartphone pagkatapos ng pag-uusap nila ni Air. Tatapusin lang niya ang paghuhugas ng pinggan bago siya umakyat sa kwarto nito. Lubos siyang nagtataka sa tono ng boses ng anak.
"Mommy, pakisama na nitong pinagkapehan ko sa sala. Naiwan ko pala doon," ipinatong ni Mister A ang tasa sa lababo kasama ng platito, kasunod nito ang matamis na halik sa labi ng misis.
"Ehem! That's okay! I ain't seen nothin'." Malakas na pagbasa ni Genevie sa Ebook na nasa glass dining table. Nagkatinginan naman ang mag-asawa.
"Daddy. Meron ka bang inutangang bangko o lending company na hindi ko alam?" malumanay nitong usisa sa asawa.
"Hmmmm?" reaksyon ni Mister A.
"Nakausap ko kasi si Air. Napaka-weirdo niya. Tinatanong niya sa'kin kung umutang daw tayo. Mukhang napraning ata sa sobre na iniakyat ko kanina. Meron bang ganoon?" Tanong niya dito.
"Mommy, akyatin mo na lang 'yang anak mo. Check mo. Baka inatake lang 'yon sa laki ng bill...niya," utos ni Mister A. Sumama naman ang tingin ni Misis A kay Mister A. Ngumiti lang naman ito pabalik sa kanya. "Mommy, alam ko 'yong iniisip mo. Wala akong utang, wala tayong utang."
"Sigurado?" paniniguro ni Misis A.
"Walang utang, Mommy. Malinis."
Bumalik na si Mister A sa sala para ipagpatuloy ang panonood. Nagpunas ng kamay si Misis A matapos niyang isalansan ang mga hinugasang pinagkainan.
Inihanda na rin ni Misis A ang mga lulutuin para sa pananghalian. Isinalang na rin niya ang pakukuluang ulam. Nawaglit sa isip niya si Air.
10:57 am
Bigla niyang naalala ang anak. Kinuha niya agad ang spare na susi ng kwarto ni Air just in case na sarado. Marahan siyang humakbang sa bawat steps ng hagdan pataas. Nang tumapat siya sa pintuan ni Air, naririnig niya ang boses nito. Inilapat niya muna ang kanyang tainga para pakinggan. Naririnig niyang bumubulong lang si Air at hindi niya maintindihan ang pinagsasasabi.
Kumatok siya ng ilang beses. Chineck niya ang doorknob. Nakalock ito. Kumatok siyang muli. Hindi siya nagsasalita. Naririnig niyang tabingi ang mga salitang lumalabas sa bibig ni Air. "Hmmm. Lasing yata ang loko." Bulong ni Misis A kaya nagdesisyon siyang buksan na lang ang pintuan.
"Air, lasing ka ba?" Bungad niya sa anak. Sinulyapan lang siya nito saka muling ibinaba ang ulo. Wala namang makikitang bote sa harap nito. Tinanaw ni Misis A ang kama, nakita niyang may isang ecobag na may laman sa loob.
BINABASA MO ANG
CALENDAR ECLIPSE
Science FictionDos mil cincuenta y uno. Alam ng marami ang LUNAR AT SOLAR ECLIPSES at kung paano ito nangyayari. Subalit hindi nalalaman ng lahat ang CALENDAR ECLIPSE, pangatlong ECLIPSE. Panahong nakatala para magsapawan ang dalawang panahon sa isa't isa. At ngay...